"Anong course mo?"
"Psychology po."
"So, nababasa mo nasa isip ko?"
---
Nakakapagod man pero sa huli sinasagot natin iyan kasi tayong mga Psych majors ang unang umuunawa sa tao. Alam nating hindi niya alam iyon sa paraan rin na hindi natin alam ang sagot sa bawat tanong sa paligid. Siguro, bigyan pa rin natin ng halaga ang bawat taong nagtatanong nito at sagutin ng may pagpapakumbaba (though sa circle natin natatawa tayo pero in real life alam naman nating todo explain tayo di ba).
Baka dala na rin na tumatanda ako kaya parang nakasanayan ko na rin iyan. Sa totoo lang, tuwing nakakarinig ako ng ganyang tanong napapangiti na lang ako. Hindi na siya nagsisilbing ingay sa akin o nakakatawang tanong, nakikita ko siyang isang pintuan na nagbibigay ng pagkakataong maliwanagan yung isang tao.
Isipin na lang natin na para tayong magulang na paulit-ulit na sinasagot ang maliliit nating anak. Buong pusong nagtatiyaga para maunawaan niya ang mundong mayroon tayo.
----
"Anong course mo?"
"Psychology po."
"So, nababasa mo nasa isip ko?"
"Psych majors po kami. Hindi manghuhula ahahaha pero sinusubukan po naming gumamit ng mga tools para maintindihan ang karanasan at kalagayang kaisipan ng tao..."
Ikaw na bahalang magdugtong at magkwento kung gaano kaganda yung course natin. Alam mo iyon? Hindi tayo astronauts pero parang katulad na rin natin sila kasi marunong tayong makinig at sa bawat taong napapakinggan natin ng buong puso ay katumbas ng isang planetang nadiskubre mo. Bawat karanasan ng tao ay isang mundong sinubukan mong intindihin kahit bago sa'yo. Di ba, amazing? Ang Psychology ay kabilang sa soft science pero kasing hirap rin ng hard sciences (at least sa paraan na alam ko). Sa hard sciences may mga formula sila at pagkakataong masukat ang physical world pero never naman nating kayang gawin sa course natin. Mahirap mahanap at masukat kung paanong magmahal, masaktan, umunawa, mawalan ng minamahal, kung paanong maging matagumpay ang pagiging isang parent, at kung anu-ano pa. Wala tayong formula sa Psychology para masukat ang mundo ng kaisipan. Hindi ba mahirap yun? Sinusubukan nating i-transform ang mga numero sa isang mahalagang interpretasyon na sana katumbas ng karanasan ng tao at kung minsan alam natin na hindi kailangan ng numero para maipaliwanag ang tunay na karanasan ng tao... at kung anu-ano pa.
Ipaliwanag mo ang Psychology. Unawain natin ang tao kahit na mahirap kasi sino pa bang gagawa non kung hindi tayo? Subukan nating i-restore ang faith ng humanity dahil kung minsan nakakalimutan ng tao kung sino sila. Tulungan natin sila. Subukan nating mahalin ang kurso natin.
Love Psychology.
Your bes,
Riyan
No comments:
Post a Comment