Thursday, January 18, 2018

MAS OKAY MAGING IKAW




Sa dami ng mga positive quotes na nababasa ninyo, sana subukan niyong mahanap doon yung tunay na "ikaw."

Huwag kang makinig sa iba na maging ganito o ganyan ka, pwede siyang gawing guide natin pero wala pa ring hihigit sa nag-iisip ka at nagre-reflect ka sa sarili mo. Masyadong maraming distractions sa paligid, sana piliin mo yung maging tahimik ang loob mo. Hindi mo rin kailangang ikumpara ang sarili mo sa iba kasi magkakaiba tayong lahat ng pinagdadaanan.

Hindi mo kailangang palaging mag-ingay o makisali sa gulo. Hindi mo rin kailangang laging magreact. Ang kailangan mo, magfocus sa sarili mo muna bago ang iba.

Ano bang gusto mo? Masaya ka ba? Mahal mo ba sarili mo? Tahimik ba ang loob mo? Magstay ka pa ba diyan? Gaano ako katagal na maghihintay? Ito ba talaga gusto ko sa buhay ko? Ano ba yung pwede mong gawin ngayon para makuha mo yung lisensya mo? Magwowork ka ba habang nagrereview? Kaya mo ba? Shet ayan na siya 282 days to go. WTH.

Lahat ng iyan, ikaw rin naman ang sasagot. Hindi quotes, hindi yung pakialamera mong seatmate o ka-trabaho...ikaw lang pero maaaring malaman mo ang sagot sa tulong ng iba. Pwedeng kausapin mo ang guidance counselor niyo, psychologist, o kaya sa taong pinagkakatiwalaan mo para tulungan ka o ma-encourage ka pa na may malapitan.

Hindi sapat ang quotes lang o mga kung anu-anong nababasa natin. Kung gusto nating maging okay, kailangan nating isipin yung mga bagay na mas makakatulong sa atin. Alagaan mo ang sarili, bes. Piliin mo yung peace of mind sa maingay na mundong 'to. Piliin mo ikaw. Alamin mo sarili mo...

Mas okay maging ikaw.


No comments:

Post a Comment