Hindi nasabi sa atin sa school kung ano ang actual experience natin. Di ko alam kung namention ba ito sa review center pero sabi ng nakausap ko hindi raw sa pagkakaalala niya. Ito yung mga ilan sa hindi sinabi sa atin:
1. Kapag magbibigay ka ng test sa academe setting like battery test, kailangan niyo palang magbuhat ng medyo mabigat na mga booklets with answer sheets papunta sa room ng mga examinees. Not to mention, kailangan mo ng energy hahahaha. Plakda pala ako pag-uwi. Walang dinner dinner. Tulog agad. 😂
2. Akala mo ganon lang kadali hahaha. Takte kapag sunod-sunod silang nagtanong sa'yo kahit na nagbigay ka ng sapat na instructions. Na-anticipate natin yun na mangyayari pero nakakashookt pala. Kailangan ng practice.
3. Kapag nag-administer ka, yung mukha mo seryoso pero yung utak mo medyo conscious sa mga ikinikilos mo saka sinasabi hahahaha kainin ka nawa ng lupa kung magkamali ka. Ikaw lang minsan makakapansin pero uulitin mo yun pero kahit na...hahahaha. Saklap bes within! Sabi ng utak ko. "Wait, serious ba aketch? Ok lang ba yung tindig ko? Malakas ba boses ko? Shet gets ba nila? Shet ano daw? Hahaha shet sabi mukha daw akong guy na side comment ng examinee pero lesbian aketch hindi transman, transfat meron ako...hahaha)
4. Kinakabahan ang examinees kasabay ng kaba mo HAHAHAHA. Kala niyo kayo lang. Bwahahahaha.
5. Be ready sa standing ovation part. HAHAHA. Halos buong araw akong nakatayo. Yep. Walang chair daw kung minsan. Sa akin wala eh pero keri lang. hahaha. Sobrang bilis lang ng oras. 15 minutes na break, isang cookie lang nakain ko besh HAHAHA.
Ayon lang. Ang cool lang ng araw ko HAHAHAHA literal sa lamig ng aircon besh saka cool kasi ang babait ng mga RPms na kasama ko eh. Alam na nila yun kung sino sila (siguro? Kung nababasa nila ito?).
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Monday, December 11, 2017
UNTOLD STORIES OF RPm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment