Pagmamahal. Hangal. Bahaghari.
Hindi maaari. Ibig kong umibig.
Kailan ipinagkait ang pagmamahal?
Kailan ipinagkait ang pag-ibig?
Sa mundong maraming matang mapanghusga
at dilang sintalas ng lanseta,
nagtatago ang isang taong gustong magmahal at mahalin.
Maraming tanong na kailangan pang sagutin.
Maraming paliwanag na dapat nilang marinig
o hiling na dapat dinggin pero…
“Kailan ba ako nagkautang sa’yo?”
Kung minsan iyan ang tanong na gusto kong ibato.
Wala kang alam sa nararamdaman at karanasan ko,
ano bang mahihita mo sa puro pakikipagduelo?
Bakit hindi na lang subuking irespeto?
Sana’y alam mo kung gaano kahapding magmahal.
Yung nagmamahal ka ng buo pero ang daming humaharang.
Yung nagmamahal ka ng buo pero ang daming humaharang.
Ginigipit, dinididik, tinitingnan ng mga matang nanlilisik,
iwinawaksi, ibinababa, at sinasakal!
Mahirap huminga! Nakakawala ng pag-asa!
Kailan ipinagkait ang pagmamahal?
Kailan ipinagkait ang pag-ibig?
Sinusubukan kong tingnan ang kalangitan
ngunit nanlalabo ang mga mata,
nagnanawa ang mga luha,
hinahabol ang paghinga at
pinipilit kong maging matuwid
sa kabila na iba ang aking anyo't porma!
sa kabila na iba ang aking anyo't porma!
Sa kalagitnaan ng mga tuwid,
may mga nilalang na naging iba ang hugis.
Sa pagitan ng puti o itim, naroon ako sa bahaghari.
Pinipigilan ang pagkinang sa malamlam na mundo!
Sa kasuluk-sulukan nandiyan ako, nagtatago't tumatangis!
Pinipigilan ang pagkinang sa malamlam na mundo!
Sa kasuluk-sulukan nandiyan ako, nagtatago't tumatangis!
Paano kong pipigilan ito?
Akala ko ba’y maging totoo?
Akala ko ba’y maging totoo?
Pero bakit ngayo’y itinutulak mo ako palayo?
Nasaan ang mga turo mong pagmamahal,
pagtanggap at pag-unawa sa kapwa? Nasaan?
Ikandili mo ako tulad ng pagmamahal mo sa sarili.
Hindi ko hiniling na maging espesyal sa mata,
Hindi ko rin hiling na dakilain ng madla,
tulungan mo lang akong makaahon,
dahil nalulunod na ako sa lungkot at sa sakit,
nabibingi na ako sa mga mapapait na mga salita!
dahil nalulunod na ako sa lungkot at sa sakit,
nabibingi na ako sa mga mapapait na mga salita!
Tulungan mo akong tanggapin rin ang sarili,
na walang mali sa pagmamahal,
na karapatan ko ring maging maligaya,
at maramdaman kong tao ako tulad mo!
at maramdaman kong tao ako tulad mo!
Handa akong maghintay.
(Ah, sanay na nga pala akong maghintay.)
Inabot na rin ng ilang dekada
ngunit hindi pa rin natatapos ang digmaan
na kung tutuusin ay wala naman talaga.
Wala naman talagang dapat patunayan pa...
dahil kasing linaw ng mga bituin sa dilim ng kalangitan,
sa malawak na kalawakan,
nasa lilim tayo ng iisang tahanan.
Wala naman talagang dapat patunayan pa...
dahil kasing linaw ng mga bituin sa dilim ng kalangitan,
sa malawak na kalawakan,
nasa lilim tayo ng iisang tahanan.
Susubukin kong mangarap.
Magigising ako isang araw na
ako’y maaaring magmahal nang walang hadlang,
at dumating ang sandaling matamis na pagwawakas!
No comments:
Post a Comment