Marami kang maririnig na
advice mula sa mga mas nakakatanda sa’yo lalo na kung fresh graduate ka o
newly-licensed professional. Magaganda naman ang mga ‘to pero alam mo kung ano
yung mangyayari sa huli? LAHAT AY SA'YO PA RIN MANGGALING.
Sa mga narinig ko noon, sa
huli, ako pa rin ang nagdesisyon para sa sarili ko. May kinuha akong advice,
sinunod at nag-fail. May iba, partly totoo naman ang naging advice pero alam mo
yun? Laging parang may kulang kasi hindi siya talaga nanggaling sa akin. Iyan
yung naramdaman ko noon. Eh kasi pala talaga dapat yun manggaling sa'yo! Pero hayaan mo lang akong magbahagi ng mga naiisip ko para mapag-isipan mo.
Asahan mong mahihirapan ka at
malilito ka! Maiipit ka sa ilang mga desisyon mo sa buhay, mararamdaman mong
gusto mong umalis pero may bahagi sa'yo na gusto mo rin magtiis! Ikaw at ikaw
pa rin ang magdedesisyon para sa'yo!
Huwag kang makinig palagi sa
kung anong gusto nilang mangyari sa'yo kung ayaw mong magsisi sa huli na
nakinig ka at naniwala. Hayaan mo ang sarili mo na maghanap. Manatili ka kung
gusto mo at umalis ka kung kailangan. Tingnan mo kung anong malapit sa values
mo. Hindi naman ibig sabihin na pinili mong umalis ay kinalimutan mo a ng lahat,
kung minsan yan rin naman ang magandang paraan para mas makita mo ang magandang
opportunity sa’yo. Hindi naman ibig sabihin na nanatili ka ay stagnant ka rin.
Depende itong lahat sa situation mo. Iba-iba.
Hindi ka magtatagal at
yayabong sa isang lugar na hindi para sa'yo. Kilalanin mo ang sarili mo, ang
gusto mo at ang pasok sa skills mo. Sa madaling salita, yung bagay sa'yo.
Huwag kang matakot na mawala
at malito dahil hindi mo mauunawaan ang kagandahan ng mundo kung nanatili ka sa
isang kahon na wala naman talaga sa simula pa lang. Lumabas ka.
Mawala ka, malito ka, at
mahirapan ka! Sa ganyang paraan kung minsan mo nakikilala ang sarili mo at ang
mundong gagalawan mo sa mahabang panahon. Gawin mo ang tama para sa'yo.
Kailangan mong matuto.
Sundin mo ang sarili mong
gusto...yung passion mo. Walang mahirap kapag gusto at tandaan mong hindi
palaging salapi ang kailangan para maging maligaya!
Tuklasin mo ang bawat bagay na
hindi mo alam! The more na maraming problema, masaya dahil may gagawin ka
bilang propesyonal! Huwag mong hayaan na abusuhin ka ng iba sa kabaitan mo.
Maging matapang ka rin kung minsan!
Hayaan mong mawala ang iba,
kung minsan pabor yun para magkaroon ng pagitan mula sa'yo at sa kanila para
pumasok ang mga tamang tao para sa'yo.
Sa bawat pagkawala, may
kapalit. Masaktan ka agad, mapagod, at mawala nang mabilis tapos matuto at
bumangon ka rin kaagad. Walang tapon, lahat lessons! Huwag ka lang malilimutin.
Saka tandaan mo ha, habang tumataas ka, matuto kang yumuko! Maging bes ka ng
mga nangangailangan sa’yo. Hindi porket may license ka na, mataas ka na. Ang lisensya ay hindi lang extension o bling bling, ito ay isang responsibilidad. Mas ituon rin natin ang sarili sa matututunan natin kaysa sa pagkuha nang pagkuha ng mga lisensya na hindi natin kayang panindigan. Higit pa rin ang karanasan at ang pagtugon sa responsibilidad.
Gawin mo ang tama para sa'yo,
sa propesyon mo, at para sa kinabukasan mo. Enjoy bes! Let's go 2018!
No comments:
Post a Comment