1. Yung linya na, “China China, Boom Boom Boom, Arigatou Arigatou, Pik Pak Boom!”
Bakit Arigatou yun eh Japanese yun?
2. “Saksak puso tulo ang dugo, patay buhay…” Katakot no? Hahaha Bata pa lang ang dahas na ng kanta.
3. “Si Aling Corazon may bisitang hapon, hindi nakatiis tumawag ng pulis,
Pulis! Pulis! May Sunog! Saan? Saan? Sa Tindahan!”
Paanong pulis? Di ba dapat Bombero?
4. “Maiba! Taya!” Ang sakit lang niyan, ikaw na nga naiba, ikaw pa ang taya. Ayoko na!
5. Bakit kaya tayo pinapalo ng nanay/tatay natin kapag pinapatahan tayo? Eh mas nakakaiyak
kaya.
kaya.
6. Bakit kaya kapag sinama tayo ng nanay/tatay natin noon sa mall o market sasabihin nila huwag tayong magtuturo? Eh malamang di ba kung may makulay dono toys magtuturo tayo.
7. Minsan kapag sinama ka sa market o mall, papapiliin ka ng gusto mo. Tapos sa huli, sila rin ang masusunod! Kagigil.
8. "Nanay tatay gusto ko tinapay ate kuya gusto kong kape lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang magkamali ay pipingutin ko!" Tinuruan ang bata maging demanding. Haha tapos magalit kayo spoiled kami charot. Saka bakit kape gusto? Dapat gatas! Kaya may growth gap e!
9. "1 2 3 Asawa ni Marie, araw-gabi, walang panty!" Di ba brief yun? Ewan ko ah.
No comments:
Post a Comment