Alam mo yung pakiramdam na
parang hiniwa yung puso ko sa kwento ng student ko? Nasa labas ako ng room at
nag-oobserve sa trainee nang biglang dumating yung late na SHS student. Isa
siyang teenager, dalagita, at payat.
Nakita ko siya sa pinto na
papasok pa lang. Sabi ko, “oh bakit ka late?”
Tapos paluha na kaagad siya.
Naramdaman kong may mabigat na dinadala. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa
akin pero mabilis na nakakapag-open up ang ilan kasi sa mga students ko.
May problema raw sila sa
bahay. Inoperahan sa mata ang 62-year old niyang tatay. Siya ang nagbabantay
dahil wala pa ang nanay niya na 50 + na rin ang edad mula sa trabaho.
Hanggang sa nagtanong na ako
sa kanya kung anong dahilan ng pag-iyak at kung may problema ba siya. Hindi nya
nasabi naman lahat pero siguro nahihirapan siya sa buhay nila base na rin sa
kwento niya. 3 lang silang magkakapatid. Pangalawa siya.
Naramdaman kong naawa rin siya
sa nanay niya. Sinabi nya sa akin na siguro kung wala silang tatlong
magkakapatid baka maganda raw ang buhay ng nanay niya kasi nagtapos ng BS
Customs ito at may naipon naman. Malaki daw ang bahay noon sa probinsya at ayos
ang pamumuhay samantalang mahirap sila sa Maynila.
Alam kong di niya maiiwasang
isipin iyon, sinabi ko. “Huy! Huwag mong sabihin iyan. Ikaw, kayo ang
pinakamagandang nangyari sa magulang niyo. Tignan mo, kahit na nahihirapan siya
pinipili niyang magtrabaho para sa’yo.” Lalo siyang napaluha sa sinabi ko.
Binawi niya ang sinabi niya,
hindi lang naman daw niya maiwasan na maisip yun. Hanggang sa mas naging
komportable na siya na magkwentuhan kami saglit para mawala ang nararamdaman
niya.
Sabi ko, ang pinakamagandang
bagay na mabibigay niya sa magulang niya ay magtapos siya at magkaroon ng
magandang buhay.
Yung luha nya sa mata habang
nag-uusap kami para akong tinutusok ng karayom. Nakakaasar. HAHAHAHA. Ang
bata-bata pa niya. Nakita ko sa mukha niya ang mga panahon na walang-wala rin
kami. Nanggaling rin kasi ako sa hirap at nakakapagod na araw-araw iniinda mo
kung makakapasok ka ba, may makakain, o pabigat ka na ba kasi minsan magastos
sa school.
Kaya ako, hangga’t maaari,
ayokong gumastos pa ang mga students ko. Wapakels kahit di ako magprojector,
magparequire ng book at mamahaling project. Sa huli, yung natutunan naman ang
sukatan ng lahat. Yun ang mga bagay na hindi mapapalitan ng pera. Masyadong
mahal na sa mga students ng pamantasan namin ang mga isandaan piso.
Sa mga prof, maging
considerate tayo. Minsan ang bawat late, absents, at mababang performance ng
students natin ay dahil sa nagpatong-patong na problema.
Sa mga students, konting tiis
na lang. Malapit na matapos. Paghusayan niyo pa. Magsilbing aral sana lahat
iyang nararanasan ninyo.
No comments:
Post a Comment