1. Maglinis ng kalat.
Linisin mo ang kalat sa kwarto mo, yung mga alaala na nagreview ka! *sobs* Yung mga papers itago mo or pwede mong sunugin sabay tawa at sabay sabing "Sa akin ang huling halakhak!" or "Luluhod ang mga tala! (o ako)?" HAHAHA. Maging productive ka maglinis ka diyan! Maghugas ng plato, baso, sasakyan (huwaw), monitor, TV, mga files sa computer, at mga durog na feelings, pakilinis lahat!
2. Magbasa ng mga books.
Maraming available na self-help books saka inspirational! Basahin mo sina Mitch at Paulo! Magbasa kka ng komiks o kung anong bagay na hilig mo. This is the time, bes!
3. Manood ka ng movies, series, or TV.
Maraming pwedeng panoorin ha na psych thrillers, inspirational movies, magandang mga series o KDrama. Try mo yung Stranger Things, Game of Thrones, Rick and Morty, and Big Bang Theory. Pwede rin documentaries tulad ng Cosmos o Genius. Love ko iyan.
4. Full body massage.
Sumakit ang batok at sumakit ang bewang mo kakasagot. Ito na ang panahon na magpamassage ka! Swedish massage aaahhhh. Hahaha.
5. Maglaro ng games.
Kailangan mong magpakasaya! Sumayaw ka ng Just Dance sa WOF hahahha! Maglaro ng basketball o kaya yung paghulog ng coins! Hahahaha ang saya na lumalabas yung ticket sa machine pero be careful mamaya maging unproductive ka pagtagal!
6. Magexercise.
Ang dami mong inipon, di ba? This is the time to lose it! Malapit na rin magpasko para mas maraming room sa food hahahaha magbawas ka charot. Makakatulong rin yun para magrelease ng endorphins ang katawan which makes you feel good! Yeah!
7. Umiyak....
..ka sa kakatawa! Have fun! Huwag kang magmukmok sa kwarto ninyo. Huwag kang magtago sa dilim! Hindi ka paniki at mas lalong hindi ka bampira, ipakita mo ang ganda o gwapo mo sa madla! Ipakita mong hindi ka stress! Kunwari nag quiz ka lang!
8. Be with nature.
Subukan mong mamundok yung walang babaan, charot! Masaya mamundok pero be safe. Hahaha. Pwede kang magb*tch este beach masaya yaaan o kaya pool kung takot ka sa dikya! Pwede rin yung pabisita bisita sa mga museums, sa mga Art Island, rivers, falls, etc. Siguraduhin mo lang hindi drawing mga yayayain mo.
9. Magprepare na para sa work.
Pwede kang magtingin-tingin na ng job descriptions at job specifications. Magbasa ng mga profiles ng company at magprepare sa interview! Ganern!
"How do you see yourself five years from now?"
"I think, I already have your position. *winks*"
Pak! Wag ganyan hahahaha ang hangin. Charot.
10. Magsaya kasama ang pamilya at kaibigan.
Wala nang mas gagaan pa kung kasama mo ang mga taong mahalaga sa'yo. Kailangan mo ng social support! Huwag kalimutang magpasalamat sa kanila!
No comments:
Post a Comment