Sunday, August 12, 2018

BUYBUST REVIEW - MGA RASON BAKIT DAPAT MONG PANOORIN

(May possible spoiler pero parang general lang 'to. Hahaha.)
----
Ayon sa IO Psychology, ang tactical team kailangan clearly defined ang objectives dahil kung hindi, problema yan sa operations. Pero syempre kaya nga naging pelikula 'to kasi may mga kupal at pulpol dito. Hahaha.
Hayop! Maaksyon! Hahaha galing ng scenes! Nakakainlove si Anne! Charot. Gising ako kahit last full show 'to! HAHAHA 💖
Ito yung ilan sa mga naisip/natutunan ko sa panonood:
1. "No man is an island," ika nga. Cooperation is key, bes. Di mo kakayanin ng mag-isa ka lang. Kahit gaano ka pa kahusay kung hindi mo iniisip ang ka-team mo, mapag-iiwanan kayo. Lahat naman tayo may gustong patunayan pero kapag team kayo, una ang tulungan. Hindi mo kailangang kunin ang lahat. Hindi mo kailangang akuin ang mga malas o magandang pangyayari. Kung maganda, isang team ang magsasaya! Kung minalas, hindi mo rin kailangang magmukmok nang mag-isa! Gayon din, kailangang makinig ng team leader sa myembro niya dahil hindi lahat alam niya. Sa isang team, mas inuuna ang kapakanan ng bawat isa.
2. Kahit anong mangyari, walang iwanan! Kaya nabuo ang team dahil dapat na makuha yung goal ninyo. Bawal pulpol, bawal ang pabigat. Lahat dapat ginagawa ang makakaya. Tiwala sa isa't- isa ang magsisilbing dugo ng buong team. Kaso kung hindi talaga kayo iisa ng takbo ng utak at bituka, wala eh...walang mangyayari!
3. Dapat matalas ang pakiramdam. Sa isang team, minsan may Hudas. Pakiramdaman ang counterproductive o kaya naman yung may sariling interest. Minsan magkukunwari silang tinutulungan ka pero ang totoo bayaran o pinoprotektahan ang pansariling interest! Kaya mahalagang kinikilala mo ang mga kasama mo. Dapat iisa kayo ng bituka kasi sa oras ng kagipitan, may ilan sa kanila na tatakbuhan ka lang.
4. Maging handa at kailangan ng presence of mind! Kahit gaano mo pa pinagplanuhan ang isang bagay, minsan darating sa point na may pagbabago! Dapat may plan A, B, C, D hanggang Z! Hindi pwedeng kalabit lang gatilyo kapag nagalit. Lahat ng bala, nasasayang.
5. "Wag ilagay sa kamay ang batas. Kailangan ng proseso. Huwag papadala sa emosyon. Lumagay ka sa tama!" - Dito medyo mapag-iisp ka kasi makikita mo yun sa dulo ng pelikula. Hahaha. Tama kaya o mali yun? So ayan.
6. Biktima tayo ng isang malaking sistema ng korupsyon. Maraming inaalay sa ngalan ng droga o mga personal na interest. Nasa sa atin na kung magpapakain tayo rito. Nakakaawa ang mga collateral damage. Sayang ang buhay nila (pulis at civilians) kung walang hustisya!
Timely ang palabas na 'to! Nasa sa atin na kung babaguhin natin ang sistema. Baliktarin na ang tatsulok! Ang kapangyarihan ay nasa tao! 👊💖
Congratulations sa lahat ng bumubuo nito! Ang galing! Sana marami pang action movies na nakasentro ang lakas at sigla ng kababaihan. Ang husay! 👍
Anne Curtis, galing mo. Huhu. 💖😍 Mula sa Sid and Aya, pinatunayan mong versatile ka! Sh*t, inaabangan ko na yung movie mong "Aurora"! Pinigilan ko ihi ko hahaha matapos ko lang! Magkakabato pero worth it! 

Multo


ni: Riyan Portuguez
Naniniwala ako sa multo
pero hindi tulad ng inaakala mo.
Ito ang mga alaala ng kahapon -
katangahan, kahinaan, galit, at poot.
Madalas na magpakita
sa mga panahong ikinakaila
Kung saan malalim ang gabi
Kung saan malamig ang hangin sa pag-ihip.
Naniniwala ako sa multo,
buhay na buhay siya na nakasunod na anino.
Tumatapang, lumalakas, at bumabalikwas
kapag alam niyang wala kang pagtanggap.
Naniniwala ako sa sarili kong mga multo.

YOUR TRUTH WILL BE REVEALED

Be careful to those people who will hurt you but will act as if you hurt them. Don't mind them. They don't deserve your attention anymore. People don't need your explanation because 'the truth' will come to light eventually.
Truth will always prevail and it's ostensively seen in various ways such as attitude, character, actions, and quality of relationships. You can't simply bend the truth by putting an embellishment on it. The stench of it will still come out.
I hope the world is just and fair. May you receive blessings you genuinely deserve from the Universe. 🙂