Monday, April 3, 2017

100 YEARS


Nakikinig lang ako ng kantang 'to. Sobrang bumalik lang lahat pero mas lamang ang saya sa panahong 'to. Marami lang akong iniisip pero alam mo, totoo ang sinabi diyan sa kanta.

Hindi mo na lang mamamalayan na bigla na lang palang lumipas ang panahon. Sa dalawang taon na pananatili ko sa maliit na paaralan sa Rizal pero kilala sa Rizal, sobrang naging masaya ako. Marami akong natutunan. Marami akong binaon. Palagay ko, ninamnam ko naman ang mga bagay na naranasan ko doon. Sa loob ng dalawang taon, para lang akong pumikit. Maraming nagbago at maraming alaala na dadalhin ko.

Ang galing! Akalain mong sa loob ng panahon na iyon, sa dami ng nangyari, kaya mong maikahon sa isang maliit na alaala? Pinakamasayang alaala ko doon ay ang mga bagay na hindi kailanman nakunan ng kamera. Sa unang pagkakataon ngayong taon, niyakap ko ang nanay ko sa kolehiyo, ang dean ko na gumabay sa akin at nagtiwala sa kakayanan ko. Siya rin ang unang taong nagpakita ng lungkot sa pag-alis ko pero sabi ko nga hindi naman sa pag-alis ko sa pamantasan na iyon matatapos ang lahat. Hindi naman ako mabilis makalimot, alam ko naman ang lahat at marunong akong tumanaw ng utang na loob.

Buong pagpapakumbaba kong pinapasalamatan lahat ng tao roon. Hindi ko man magawang sabihin sa kanila iyon ng harapan ahahaha kasi hindi naman ako showy sa emotions ko. Sa blog ko na lang sinabi, sana nakita na lang nila iyon sa mga panahon na nakasama ko sila... na yung simpleng, "salamat" at "ingat" na sinasabi ko ay katumbas ng "mahalaga ka."

Salamat sa mga taong nakilala ko roon dahil malaki ang naging bahagi nila sa buhay ko. 
Haharapin ko na naman ang taon sa ibang lugar! Excited na ako.

Lilibutin ko na naman ang ilang lugar at hahanapin ang mga kwento ng ibang tao para may baon ako sa pagtanda ko. Panibagong mga mundo na naman ang makikita ko.

Sa isandaan taon na pagkakataong mabubuhay ka (kung papalarin man), gawin mo na nang maganda, maligaya, at makulay.

Thursday, March 30, 2017

I AM NO SUPERMAN

I may not have superhuman powers but I can assure you, you'll be my extraordinary partner and you'll be surprised at how I can hold you and love you, eternally.

Monday, March 27, 2017

AANGAT KA SA PSYCH!

Lahat tayo ay may pagkakataong umangat at maabot ang ating pangarap na lisensya....dahil kahit ano pa man ang pinagmulan, nasa iisang bubong tayo ng disiplina.

Sikolohiya, magkaisa.
Aangat ka sa Psych!


Saturday, March 25, 2017

STAGES OF BREAK UP



It is a banal statement to most people about getting up one morning with nil feeling towards their partner. It is as if in a snap of fingers, all of their unforgettable moments were dissipated into thin air. 

There is an interesting model by Steve Duck (1998) who suggested phases of dissolution of relationships such as breaking up. Breaking up does not happen suddenly, it follows a process.
Here’re the phases:

#1 Intrapsychic Phase, it is the first phase wherein the person experiences internal conflict and prefer not to voice out the problem. Albeit the person might disclose it with few others without the idea of his/her partner. In this stage, the individual is dissatisfied and feels that there is something wrong with their relationship.



#2 The Dyadic Phase, it is the phase when couple communicates their dissatisfaction or problems. Of course, couples have various responses when challenged. Some may automatically cease the relationship, some may forgive the other person and give it another chance to rectify what has been done, some may be in shocked for unexpected reasons, etc. If the problems are not resolved, they may seek out advice from others…



#3 Social Phase, involves the social connections of the couples. These connections are their families, friends, close friends, or someone who can say something about the situation of the couple. Both parties seek opinions or advice from significant people to help them resolve their personal conflicts. This phase also offers reassurance to the troubled person.




#4 Grave-Dressing Phase, this stage exemplifies the death of the relationship. Both parties here are about to mutually agree on the reasons for splitting up. This stage is an essential part of closing one relationship and helping both parties to accept and to face another day without one another, that there more possible mates who deserve them. In addition, closure in this stage is vital for both individuals to start anew.




Note: As might be expected, these phases should not be viewed as a universal model encountered by people. However, it is still important to look at this perspective in light of an understanding of how relationship undergoes a series of phases.

Friday, March 24, 2017

MGA DUDA, TAKOT AT KABA

Heto na naman ang nararamdaman, binabalot ng takot at kaba sa mga bagay na hindi pa naman talaga mangyayari. Oo, marunong din akong matakot pero mas duwag kung hindi ko lalabanan di ba? Lahat naman lumilipas. Iyan na lang ang sinasabi ko sa sarili ko.

Nakakainip rin kung minsan na gustong-gusto mong gawin ang isang bagay pero hindi pwede kasi alam mong sa sarili mo na hindi pa kaya. Wala pa. Hindi pa ito ang oras.

Marami akong gustong sabihin pero tulad ng nakagawian, itinatago ko ang ulit sa pag-asang kusa na lang na malalampasan ko 'to sa sarili ko. Sasabihin ko na lang kapag nagawa ko na. Natupad ko na. Kinakabahan pero nasasabik sa kinahihinatnan.

Aking nilalasahan ang bawat pagkakataon habang may panahon, inuunawa ang mga bagay sa abot ng makakaya, at itinutuwid ang sarili sa mga pagkakamaling nagagawa. Hanggang kailan ko kaya malalaman kung tama na ang panahon?

Wednesday, March 22, 2017

ALMOST READY AND EXCITED FOR SUMMER 2017

My Room

Yes! I updated some tasks for April onwards! 🤓💓 Here're some of my tasks.

Yes. I have a glass board in my room. Sometimes, I use this for writing some reminders but usually I use this for computations. 🙂 *because I am not good in numbers*


Monday, March 20, 2017

DESIDERATA AND FLASHBACKS

Photo Image: not mine

Words of wisdom to live by,
Desiderata, Max Ehrmann (1927)

A nice reminder for all of us. This is from my friend whom I admire for her dedication in the field. We went to graduate school as people na "walang-wala" then we're here in a place that we never imagined will happen. She's in DOH-Mindanao branch working as Psychologist role and I'm in the academe.

We took the board exam together and passed it thru self-review and we're hoping to take the RPsy when we're confident enough... basta soon. Hahaha. And hopefully makapag PhD kami. We also graduated last year. Sabay rin. 😂

We're both happy with our partners just to let you know. Haha. ☺ *malapit ako sa mga Clinical Psych majors lol sobrang masayang kaibigan*

Ah, those times! Sarap balikan lahat ng hirap at nakakatawa na lang ngayong isipin.