Sa almost RPms, hindi man tayo magkakilala pero para 'to sa'yo. Alam kong kailangan mo ng space at ng katahimikan pero sana, kung nasaan ka man ngayon, mabasa mo 'to.
Sa kalagitnaan ng ingay at ng saya, sana mahanap mo ang sarili mong kapanatagan. Sana malaman mong mas marami pa rin kaming taong naniniwala sa'yo kahit na sobrang nadidismaya ka sa sarili mo.
Malungkot ka, umiyak, masaktan, at madapa ngunit tandaan mong mas higit na mahalaga ang bumangon sa bawat kabiguan. It's a good fight! Mabuhay ka!
May mga oras na nagkukulang tayo para matuto, para malaman ang dapat punan, at masubukan ang mga taong dadamay sa atin sa oras ng ganitong pagkakataon.
Bes, nandito kami para sa'yo. Bibigyan ka namin ng panahon para mag-isa...pero bukas ah? O kahit sa mga susunod na araw...maghihintay kaming lahat na bumalik kang muli sa lakas mo.
Kung mayroon man na dapat matutunan ngayon sa board exam, ito ay ang saya at aral na napulot sa paglalakbay. Isang mahaba at mahirap na lakbayin para sa almost RPms...
Nakakapagod, ano? Magpapahinga pero hinding-hindi susuko!
Sa susunod muli, bes! Tandaan:
Higit ka pa rin sa mga tanong na iyon.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Tuesday, November 7, 2017
To Almost RPms
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment