Monday, November 27, 2017

RECHARGE

Ilang beses na rin namang pinag-isipan ang lahat. Kilala ko ang sarili ko. Hinalungkat at hinalughog ko ang mga alaala pati na ang lahat ng sacrifices ko para lang sa bagay na matagal kong hinintay...

Naniniwala ako na, may mga bagay na hinintay mo pero hindi naaayon sa'yo. Sa totoo lang, hindi naman talaga nila pinutol talaga na magturo ako doon...pinahinto lang...pero para sa akin, isang signos na iyon na wala na...kasi matagal akong naghintay na rin at iniwan ang mga bagay na gusto ko rin gawin.

Nagkaroon ng pagkakataon na malaman kong kakaiba pala ang mundong ginagalawan nila sa mga nasa isip ko at naramdaman kong hindi ako bagay roon.

Kaya sinabi ko sasarili ko:
"Ayoko. Hindi ako tutulad sa ilan sa kanila. Ayokong tumanda roon."

Bukod doon ang dami kong iniisip. Nakakapagod pala. Sobraaaa. Umaga hanggang gabi dahil sa dami ng loads at ilang bagay na pinapagawa ng wala ng walang kapalit kundi ang sarili kong kalusugan. Kung minsan nakakalimutan ko na rin ang sarili. Active man ako sa social media, sobrang dami kong ginagawa. Hindi lang halata kasi madali lang naman sa akin magconceptualize kapag free time at may mga scheduled post rin naman.

Madami akong naisip na gustong ituloy at madami akong narealized sa sarili ko. Ang laking tulong rin na magpahinga at mag-isip.

Siguro dapat na muna akong magfocus sa board exam, clinical setting at sarili kong learning. Kailangan ko munang magfocus sa improvement ko bago rin ang iba.

Nauubos na kasi ako. Sobrang nadrained lang ako sa academe. Masaya pero nakakapagod rin.

Thankful ako sa lahat ng students ko doon at sa mga nakilala ko. Sana may natutunan sila sa akin talaga. Sana maintindihan nila.

Kailangan ko ring matuto pa dahil marami pa akong hindi rin alam at may pangarap pa na gustong abutin. Sana makuha ko soon.

Kita-kits sa RGO, conferences, conventions, workshops, seminars, o kung saan man! Magkikita tayo basta sa sikolohiya!

Salamat sa lahat! Recharge muna!


No comments:

Post a Comment