Functional autonomy is the idea that drives can become independent of the original motives for a given behavior.
Makes sense. Pwedeng ma-relate sa "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." Hindi siya simpleng pagtanaw ng utang na loob eh. Naisip ko lang na parang functional autonomy siya sa paraan na minsan sa buhay ng tao, nakakalimutan nila kung ano ba ang dahilan kung bakit ba sila nasa kinalalagyan nila. Nakalimutan lumingon.
Ito yung sa mga plano nila na gusto nilang gawin pero dahil nakikinabang na sila, nakaangat, at nakaramdam ng comfort. Nakakalimutan na nila yung sense of purpose kung bakit sila nandoon.
Educator ako. Madalas akong magtanong, magreflect, mag-isip, at pumuna ng mga bagay na nakikita ko. Curiosity ang primary value ko galing sa analysis ng NLP and Hypnosis. Kaya natural sa akin iyon.
May mga bagay nga lang na hindi natin aakalain na ang tanong natin ay maaaring maging daan para mabago ang buhay ng iba o kung minsan buhay mo.
Wala akong pagsisisi na nagtanong ako. Mas magsisisi ako na wala akong ginawa. Sana palagi tayong magtanong para sa ikauunlad ng iba at para sa kapakanan ng iba. Sana wag kang mapagod magtanong.
Sana wag kang mapagod na mag-isip at tumulong. Alalahanin mo kung bakit ka nandiyan. Kung bakit ka araw-araw gumigising.
Magtanong ka, walang mawawala. Magbabago ka.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Friday, November 24, 2017
Dare to Wonder
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment