Sabi ko nga sa
title, young, dumb, and broke. Hahaha. Marami kasi akong katangahan noong fresh graduate ako at ayoko na i-elaborate lahat hahahaha. Broke kasi as in wala talaga,
nganga! Saka syempre young, fresh nga e! hahaha. Iyan lang yata mapagmamalaki ko sa sarili ko yung pagiging fresh noon saka yung kasipagan sa school.
Gusto ko lang i-share na nakakarelate ako sa karamihan sa inyo. Ito yung limang bagay tungkol sa akin na baka makarelate ka:
1. Naging isa ako sa tulad ninyong estudyante. Unpopular sa school. Papasok at lalabas ng school nang walang hassle hahaha! Walang ka-chitchat ng matagal. Marunong ako makisama pero hindi ako mahilig mag-share tungkol sa akin *ewan ko kung may trust issues ba ako* pero siguro naiisip ko wala naman dapat na ibahagi eh. hahaha. Hindi rin ako masipag magpupunta ng organization eh (huwag niyo kong gayahin hihi), mahilig lang akong magbasa ng books saka sa bahay at school lang talaga ako halos *konting landi rin*. Kung may oras akong maglakwatsa sobrang sa piling tao lang. Iyon ang naging priority ko. Mas nagfocus ako sa acads (nope, wala akong Latin honor).
2. Naging jobless ako rin ako nang grumaduate ako! HAHAHAHA. Iyak tawa ako nang maghanap ako ng work. Ang dami kong rejections! May mga oras na umiiyak talaga ako kasi ano bang wala sa akin na mayroon sa iba (well alam ko naman rin). HAHAHA. Bukod sa ang dami kong fats that time, nasa state U ako tapos ang dami kong doubts sa interview. HAHAHAHA ayoko na ulit balikan. Ang ginawa ko lang niyan, nagpractice lang ako ng nagpractice. Inipon ang lakas ng loob, kinapalan ang mukha, at bira nang bira basta kaya!
3. Naghanap rin ako ng way para makapasok sa graduate school kahit na intimidated ako sa classmates ko na magagaling saka may positions na samantalang ako kapag orientation:
"I'm (insert full name), and I'm a full-time student." *smile ng konti hahaha*
Ngingisi yung prof habang nakatingin lang sa akin.
Oh di ba, nakakahiya samantalang classmates ko aabutin ng mga 5 to 10 minutes magpakilala tapos may follow-up questions pa yung prof na interested sa kanila kasi magiging connections tapos ako ngingisi lang siya tapos minsan aasarin ka pa. Kebs lang ako niyan, focus lang ako sa positive saka focus lang ako sa gusto ko. Alam kong lahat ng bagay ay inaabot ng matagal na panahon bago mo makuha.
4. Ang dami-dami kong doubts saka ang dami kong insecurities tulad mo. Maliit rin yung tingin ko sa sarili ko noon *
haha maliit rin ako in person*. Kailan lang naman ako nagkaroon ng confidence kakapraktis sa mga bagay-bagay. Hahaha. Sa ngayon, mayroon pa rin naman akong doubts especially kapag clinical practice na ang usapan. Totoo iyan kasi IO major ako. Hindi ako nahihiyang aminin, hindi ko alam lahat! *bow* Pero willing naman akong matutunan!
5. Self-review ako nang first board exam. Tulad mo, sobrang kinabog ako ng takot! Lalo na lahat kami noong 2014 first board examination nangangapa sa dilim kung ano ang lalabas na mga tanong. Talagang bulaga na lang ang lahat e! Ang baba ng mga national passing rate namin noon hahaha.
Ano ang point nito? Gusto ko lang iparating sa'yo na kung minsan, natural na wala kang makitang future mo.
Naranasan ko rin ang pakiramdam na parang stucked na ako. Ito na yung ending. Wala yata akong future sa field ng psychology.
Iyon pala, minsan kailangan mo lang sumubok kahit na takot ka! Hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng mga pagbabakasali mo...tulad ko noon. Hindi ko akalain na mayroon rin naman palang naghihintay sa akin.
Alam kong mayroon rin para sa'yo. Huwag ka lang susuko! Wala pa yung results pero gusto ko lang ipaalala sa'yo na kapiraso pa lang ito ng yugto ng kwento mo. Marami pang darating na characters sa buhay mo at mga pangyayaring dapat mong abangan! Ano man ang mangyari, kailangan mong maniwala sa kakayahan mo kahit gaano ka pa hindi ka confident. Piliin mong lumaban, bumangon, mag-improve! Kung nakikita mo na may kulang, eh di good! Alam mo na mayroon ka pang dapat na punan, di ba?
Sa una talaga ang pinakamahirap at pinaka-intense pero kapag nasimulan mo nang malampasan, kahit paano mabilis-bilis ka na rin. Basta tuloy-tuloy mo lang! Walang sukuan ah!
Fast forward natin besh, hindi pa ako mayaman hahaha. Medyo bata pa rin naman ako, hindi pinakamagaling pero natututo, at kumikita naman na ako kahit paano para sa akin at sa family ko.
Ikaw na yung susunod. Good luck!
|
Pin ko! Magkakaroon ka rin nito! Tiwala lang! |