Friday, July 14, 2017

SAAN NA BA AKO NGAYONG RPM NA AKO?


Una sa lahat, ang blog post na ito ay triggered mula doon sa post na nabasa ko kung anong sahod ang matatanggap mo kung RPm ka na. Pangalawa, para ito sa mga taong hindi nila alam ang gusto nila kung itutuloy ba nila o hindi. At ang huli, basahin mo na lang ito.

Nasaan na ba ako ngayong RPm na ako? Alam niyo bago ko sagutin iyan, tatanungin muna kita. Mahal mo ba ang course natin? Gusto mo ba ito? Kapag nasagot mo na iyan. Okay, sige magbasa ka na kasi lahat ng sasabihin ko nagsimula dahil sa matigas ang ulo ko at ginusto ko ang tinatahak ko kahit na marami akong narinig na discouragements sa field na ito.

Huwag mong sabihin sa akin na, "sus kaya nya nasasabi iyan kasi mapera siya", "kasi hindi niya alam naranasan natin" o "privileged naman kasi siya kaya ganyan." Pinangunahan ko na kayo.

Una, nanggaling ako sa mahirap na pamilya. As in yes, Bimb, putik. NPA kami. No permanent address. Hinahabol ng sheriff dahil hindi nakapagbayad ng renta. Siyam na beses palipat-lipat kasi maraming utang rin noon. Naranasan kong walang makain as in nganga Bimb. Naranasan kong ulamin ang toyo, kape, asin, asukal, kumain ng tutong, bagoong, at kung anu-ano pa. Sa age ko na napakabata noon ganyan buhay namin. Fast track, naging okay kami kasi nasa kapalaran naman natin kung gusto nating makaalpas sa kahirapan, di ba? Sa magkakapatid nga lang, ako lang nakatapos ng pag-aaral kasi hindi rin naman nila kaya eh saka iba ang environment na kinalakihan namin eh. Magulo kami.

Pangalawa, hindi ako privileged bukod sa mahirap na kami parang tinamaan ako noon ng malas. Kaya hindi rin ako okay noon. Dami kong iniinda sa katawan at ang daming iniisip sawang-sawa na ako. Fast track, nalampasan. Nahirapan ako maghanap rin ng trabaho noon. Imagine, LGBT rin kasi ako e. Hirap kapag minsan nadiscriminate ka rin. May mga microaggressions saka sa State U kasi ako nanggaling. Kailan lang naman sobrang nakilala at naging number 1 school namin sa employer pero takte kahit sa thesis ko noon nahirapan kaming gawin kasi kebs sila sa amin kasi nga public lang.

Huli, sa dami ng hirap nanggaling rin ako sa minimum wage pero kung gusto mong makaalpas sa mababang sahod kailangan mo mag masteral. Natapos ko masteral ko last year lang. Maraming opportunities ang dumating sa akin simula nang magtake ako ng RPm noong 2014, first batch. Alam mo bes, sariling sikap lang rin yon. Hindi rin kasi ako nagreview center noon kasi ang idea ko nangangapa rin noon saka wala naman kaming pera talaga e. Sabayan na rin siguro ng may kaunting masteral units noon kaya maswerte saka kasi mababait ang classmates ko sa graduate school. Nainspire ako sa kanilang maghanap ng work (dami pang nangyari sa akin noon bago mag graduate school haha pero natsambahan sa katigasan ng ulo akala ko anak ako ng malas saka ang daming discouragements noon, pang MMK).

Maswerte lang ako na nakapagmasteral after graduation kasi may nagpaaral sa akin (medyo okay na kami noong 2013 eh pero dami pa rin struggles talaga) pero tipid tipid pa rin. From jobless to bongga rin kahit papaano na nagktrabaho ako. After ng ilang years rin na struggle (simula bata take note), ngayon lang ako nagkaroon ng stabilize na buhay kahit papaano. Nagsimula lang talaga sa lisensya.

Kung hindi dahil sa license ko hindi ako kikita ng malaki. Ayoko ng sabihin yung salary basta MALAKI kumpara sa minimum wage noon saka maraming sidelines. Nakakatulong na ako sa pamilya ko ngayon. Basta pwede kang maging instructor ng college (handling board subjects because of license), invited lecturer, SHS instructor, validator, panelist, researcher, facilitator, national lecturer (swerte mo kung ma-invite or marefer ka sa isang magandang review center. Ako na-swertehan lang kasi sobrang bait ng Inang Reynang iyon), author (lalo na kapag may MA ka na pero hindi pa ako author ah) at maraming opportunities tulad ng ma-promote ka sa trabaho.

Kung nakinig ako noon sa mga matabil ang dila na wala daw akong mapapala sa Psych kasi PANG HR lang naman daw kami, eh di walang nangyari sa buhay ko ngayon. Salamat sa classmate kong mahilig mang-discriminate sa akin na usisero pa kung ano raw susuotin ko sa work kapag tapos na ako, "hey naging motivation kita! Loko ka!" at sa prof ko noon na nagsabing "huwag na akong sumali sa quiz bee" dahil hindi ko naman kakayanin pero... nakapasok naman kami sa top 10 ng PAPJA. Salamat rin sa pinsan ko noon na nagsabing "Huwag kang magmasteral kasi hindi mo kakayanin iyon dahil kailangan doon ng experience." Insan, naigapang ko siya.

Salamat sa hirap sa buhay kasi naging matigas ang ulo ko at hindi ako nakikinig na hindi ko kaya. Ilang gabi akong umiiyak at iniisip yung mga mukha niyo mga loko kayo! Ilang gabi akong nagdududa sa sarili ko sa mga pagbababa niyo sa akin kasabay ng mga rejections na nangyari sa akin!

Mabuti na nakinig ako sa gusto ko. Gusto kong magturo at gusto kong magbahagi ng kaalaman ko. 
Hindi ako after the money nga pala, sa unang dalawang taon ko noon lahat ng pera ko charity. Sa sidelines ako nakakabawi. Kayod ako nang kayod alam iyon ng mga nakakakilala sa akin. Lahat ng mga nagastos ko sa workshops, seminars, at trainings bumalik naman sa akin. Nag-increase rin ang connections ko kasi ako yung tipong mahilig matuto kapag hindi ko alam ang isang bagay kaya nagkakaroon ng kakilala. Ayon, after tatlong taon rin o apat na taon okay na naman ako. Magsipag ka lang. Magugulat ka na lang kumikita ka ng pera. Yung pera darating yan kapag mahal mo ang ginagawa mo. PASSION is the key. Kung after the money ka, mahirap iyon. Eventually, you'll easily lose your interest. Wala kang focus. Magsisimula lahat sa sarili mo. Susunod na lang pera niyan saka connections kasi magmanifest naman sa ginagawa mo ang lahat eh. I hope you get the point.

Ako nga pala yung RPm na nagtuturo ngayon. Nakakatapak ako sa iba't-ibang lugar dahil sa lisensya ko. Masaya naman ako ngayon sa buhay ko. Hindi nga lang ako tumangkad sa hirap ng buhay HAHAHAHA pero masasabi kong kuntento naman ako. May credentials naman na ako. Hopefully, soon makapasa rin as Psychologist...pero matagal pa iyon kaya chill muna.

Nyeeeeeaaaam! Charot.




No comments:

Post a Comment