Credits to the owner of the image: daad29 |
"Ano ba 'to?"
"Sino ako?"
"Gusto ko ba talaga 'to?"
"Parang hindi yata ako dapat sa Psych."
"Di ko na kaya."
Ilan lang iyan sa usual na pumapasok sa isip ninyo ngayong papalapit na ang board examination. Normal na nag-intensify ang anxiety ninyo lalo na ilang days na lang malapit na yung examination. Sabayan pa ng expectations ng iba na hindi ka pa naman pumapasa ay umaasa na agad sila sa'yo. Sabayan rin na alam ng iba na kukuha ka ng exam. Kaya ayan, kung minsan dahil sa kakaisip mo na hindi mo kaya, ang hirap-hirap, plus yung mga nakakaburyong sinasabi ng iba, wala ka ng natatapos sa isang araw.
Maaaring may mga oras na tulog ka lang nang tulog o kaya naman social media ang nagiging libangan mo kaysa sa pagrereview. Sa totoo lang, ok lang naman gawin ang mga iyan basta hindi sosobra. Ngunit minsan ito na nagiging takbuhan ninyo kasi mahirap harapin ang reality na, "hala nandiyan na siya."
Isipin mo: Ano ba ang best time para mag take ng board exam ngayong nakapagsimula ka na rin? Alalahanin mo ang mga quiz at exam mo nang college ka, mabilis mong nakakalimutan. Ngayon pa bang gusto mo itong ipagliban? Hindi ba't nandito ka na rin lang, aatras ka pa ba?
Marami kasi sa atin nawawalan na ng lakas ng loob. Natatakot. Napipilayan ng takot. Alam mo, kalimutan mo muna sila, bes. Isipin mo sarili mo. Ikaw, suggestion ko lang naman ito. Nasa sa'yo pa rin naman ang desisyon pero kung nandito ka na. Sana piliin mong lumaban. Ano man ang mangyari, sugod! May ilang araw ka pa naman para makabawi, di ba?
Gawin mo 'to para sa sarili mo. Lumaban ka. Natural na maramdaman mong may kulang! Kung may kulang, eh di punan mo ng knowledge! Bumawi ka! Gumising ka!
Gumawa ka na. Ngayon na. Huwag kang magpalamon sa kawalan.
Note: credits to the owner of the image
No comments:
Post a Comment