Alam kong hindi niya ito nababasa kasi wala silang malakas na wifi sa bahay nila at hindi naman siya nagbabasa ng ilang mga gawa ko. Ayos lang.
Mahal ko siya dahil bukod sa magsisiyam na taon na kami, hindi ko nakita sa kanya na dapat na mawala ang respeto ko sa kanya. Mahal ko siya dahil iyon na iyon talaga. Una ko siya, una niya rin ako at sana kami na talaga.
Mas lalong minamahal ko siya sa mga lumilipas na araw, sa mga panahong marami akong ginagawa at sumasagi siya sa isipan ko, nakikita ko siya sa mukha ng ibang mga babaeng nakakaharap ko lalo sa mga kababaihang lumalapit sa akin para magsabi ng kanilang problema tungkol sa kanilang relasyon.
Nalulungkot ako para sa ilang mga taong nasasaktan dahil sa pag-ibig. Iyong mga taong nagtiwala at nirespeto yung mga mahal nila sa mga pag-aakalang ibabalik sa kanila iyon o kahit hindi man umasa pero wala ni isa man natanggap mula sa pagmamahal na ibinato nila. Kahit hindi ka umasa na ibabalik iyon sa iyo, masakit pa rin di ba na kahit papaano walang ganti sa mga ipinakita mong maganda.
Nalulungkot ako ngayon dahil may kakilala akong nagsabi ng problema niya sa akin at nararamdaman ko yung sakit na naranasan niya sa boyfriend niya. Iyon ang bagay na ayokong makita ko sa girlfriend ko, iyong umiyak, malungkot, masaktan, at isipin na wala na siyang halaga dahil ipinagpalit siya sa mas bata at mas sexy na babae. Alam mo iyon? Kung tunay kang nagmamahal hindi mo na aasahan iyon na forever na maganda ang girlfriend mo, yung kagwapuhan mo hindi rin naman iyan magtatagal. Masarap sa pakiramadam, OO, na habulin ka ng iba o may taong magkagusto sa iyo, pero hindi sapat iyon para ipagpalit mo yung taong tumanggap sa'yo noong mga panahon mukha kang alien o mukhang unding. Yung taong tumanggap sa'yo nang buo. Kaya nakakainis lang kung maghahanap ka pa ng iba kung mayroon naman taong nagmamahal sa'yo.
Nakakalungkot lang na may iba na hindi pa sapat sa kanila yung ginagawa ng mga mahal nila. Nagpapadala sila sa bugso ng damdamin na kung minsan sa huli, pagsisisihan din nila. Yung iba, oo naging masaya dahil may rason naman ang kanilang paghihiwalay, pero yung mga taong wala namang ginagawang masama? Kawawa naman di ba.
Ayokong makita ang girlfriend ko yung ganito, although may mga pagkukulang rin ako dahil kung minsan sa pressures at nawawalan ng oras, pero hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang bumawi at lalong-lalo na yung maghanap ng iba sa oras na hindi niya ako nakikita sa mga ginagawa ko.
Bakit ba kasi ang daming nasasaktan? Siguro kasi iyon yung bagay na dapat mong maramdaman bilang tao para malaman mo ang halaga ng pagmamahal sa susunod na magkakaroon ka muli ng karelasyon.
Ano masasabi mo? Kasi iisa lang itong point of view ko. Willing akong makinig. Share your thoughts!
Sito Longges
No comments:
Post a Comment