Image Source |
Ako’y mula sa mumunting buto
Nangarap at nagsimulang umusbong
Ako na gawa ng Mahal na Panginoon
Saan kaya mapaparoon?
Lumago’t lumaki ay aking pinangarap
Madiligan at mabiyayaan ay aking nalasap
At mula sa itaas nasikatan
Pangarap na sana’y walang katapusan.
Patuloy na lumaki ako’t lumago
Pero bakit sa kalagitnaa’y may nagbago?
Ang dating tikas ay nahaluan ng panlulumo
Mga nasimulan ba’y magsisimula ng gumuho?
Pader ay nagsimula ng gumalaw
Kasikatan ng araw ay di na matanaw
Akong halaman na namulaklak
Patuloy bang mamumukadkad?
Paanong ang isang harang ay magigiba?
Ako’y hamak na halaman lamang
Ngunit may konting tindi pa ng pag-asa sa
loob
Kahit na’ng takot ay nagsimula nang
lumusob
Paano na ang kasikatan ng araw?
Tuluyan na ba itong sa aki’y mawawalay?
Nais pa sanang mahagkan ang init nito
Ngunit paano kung wala ng pagbabago.
Siguro’y mahihintay na lang
Umikot ang mundo at nawa’y masinagan,
Tulungan ng panahon na sana,
Balang araw’y ang pader ay magiba.
Bumilis
na sana ang ikot ng mundo
Para ako’y di na lubos na malungkot
Pader sana na pagkataas-taas
Nawa’y manghina sa ugat ko.
No comments:
Post a Comment