Sunday, March 15, 2015

AWESOME EXPERIENCE IN CORRECTIONAL INSTITUTION FOR WOMEN

Awesome talaga ang experience sa Correctional Institution for Women! Super inspiring ang stories nila. I am really happy na nakinig ako sa life stories nila.
Alam mo yun? Hindi mo malalaman ang takbo ng mundo. Kailangan natin maging maingat, maging mapagmahal, matutong ma-appreciate yung mga bagay-bagay at maging mapagkumbaba.

Hindi mo alam kung hanggang kailan ka sa taas, kung kailan ang ganda ng mukha mo, o kung hanggang kailan ba itatagal ng buhay mo rito sa lupa. Kaya habang maaga pa lang, siguro magandang maunawaan natin kung bakit ba tayo nandito...\

"Habang may buhay may pag-asa, 
habang may pag-asa may grasya, 
at habang may grasya,
may misyon ka."


Yan ang sabi ng isang matalinong mother sa correctional. Naalala ko tuloy ang sabi ng kaibigan kong si Mark....Mark Twain. Sabi nya, "The two most important days in your life are the day you are born and the day you find out why." Palagay ko, malapit ko nang malaman yan. Pero habang nasa proseso ako ng byahe ko para malaman ang rason kung bakit ako nandito... Gusto kong maging masaya at maging positibo.


Kaya siguro kung may makita ka o makasamang difficult person, intindihin mo na lang (ako talagang mas gagalingan ko dyan). Mas kailangan nila yun kabaitan mo, wag kang susuko. Kung ayaw, eh di wag! Basta pinilit mong magreach-out. Basta think positive. Smile lang. 

So, yung feeling ko talaga ‘yun last time na demotivated ako, nawala at napalitan ng saya. haha.

Nalaman ko na walang rason para maging malungkot pa ako (kung meron man, lilipas din yon) dahil sa dami ng tao rito sa mundo na nangangailangan ng tulong, kalinga, kaibigan, at pamilya, masasabi ko na dapat akong maging matatag at mag reach out sa iba. Hindi naman kahinaan yon di ba?

Noong nakaraan pinapangarap kong magka-abs. Pero ngayon, so what? Nalaman kong kung may muscle man akong dapat palakasin at ihersisyo, baka yun na lang yung "puso" ko. Di ba nga araw-araw yan nagpupump ng blood para lang mabuhay tayo? Kung hindi ko patatatagin ito, kung hindi ko gagamitin para maunawaan ang ibang tao, kung pipigilan ko ang nararamdaman ko, at kung maging manhid ito...paano na? Di ba dapat ineexercise yan... let it pump. Ang sakit sa dibdib di ba kapag hindi mo nasasabi ung gusto mong sabihin? Kasi hindi ka sanay.

Siguro hindi rin kahinaan na maluha ako sa mga kwento nila. Natutuwa lang ako at maswerte na makasama ang kapwa ko mula sa iba't-ibang kalagayan sa buhay. Alam mo yun? Naramdaman kong tao talaga ako.

Marami pa rin talaga akong hindi alam. Marami pa akong bagay na gusto pang malaman. Nalaman ko nga na hindi ako pwedeng maging counselor dahil malambot din pala talaga ang puso ko. Sana tumatag 'to. Yung tipong hindi bato pero kayang makaunawa. Mabuti na lang sa industry kahit paano pwede mong hindi malaman ang personal na buhay ng iba. Pero sa mga counselor na laging nakikinig ng buhay ng clients nila, mahirap pala. **Saludo ako sa counselors! :)**

Sa topic naman ng group ko about friendship. Malaking impact talaga yung naging kwento nila.

"You can choose your friends but not your family," sabi daw sa quotes. Pero base sa experience ni Ms. Nilda sa correctional, nalaman nyang hindi applicable ang quotes na yun sa kalagayan nila. Wala silang pamilya na aagapay sa kanila kundi kaibigan. Yung kaibigan na hindi ka pababayaan kahit na magkasakit ka at tatanggapin ka kahit ano ka pa o kahit sino ka pa. Unconditional ang friendship nila. The best ang story ng tatlong yun. Hindi ko mababanggit pero tagos sa puso...kaya nga naluha ako.

Sabi nya rin, "The best avenue is friendship in order to survive," at naniniwala naman ako don. 

Hindi pala talaga ganon kalalim pa ang experience ko. Tolongges na tolongges pa talaga ako at aminado ako don. Pero araw-araw naman gumigising pa ako. Willing pa ako matuto.


Basta isa rin sa napatunayan ko talaga, hindi sa loob ng classroom mo matutunan ang mga bagay-bagay. Ang inspiring stories hindi rin sa libro mo lang malalaman, hindi sa TV o pelikula, at hindi lang sa mga dyaryo. Kung minsan sa katabi mo lang. Sa tricycle driver na sinasakyan mo araw-araw (totoo yan, hindi ko alam kung bakit pero may nasakyan ako nag-open up agad sa akin. Wala naman akong placard sa noo na counselor ako pero ewan talaga), kay manong driver, sa guard, sa kasambahay, prisoner, matandang naglalako, sa palengke, at sa mga lugar o taong hindi mo inaasahan. Magtatanong ka lang o kaya naman makikinig ka lang. Maraming inspiring stories, makinig o mag-observe ka lang.



No comments:

Post a Comment