As of this moment, we are together for 3,400 days which is equivalent to 81,600 hours.
How long will I love you?
I don't know but I don't want to end it.
I will love you as long as I am alive.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Sunday, October 30, 2016
HOW LONG WILL I LOVE YOU?
Thursday, October 27, 2016
SUKO NA
Hindi naman pagiging duwag ang pagsuko.
May mga laban lang na karapat-dapat.
Kaya suko na ako.
Ilang buwan na lang.
Minsan, pagiging matapang pa nga iyon eh.
Kasi susubukan mo sa simula.
Tatalon kang muli at kahit na may pinangako sa'yo
hindi ka pa rin naman makakasiguro.
Kaya suko na ako.
Ilang buwan na lang.
May panibagong laban na naman.
Wednesday, October 26, 2016
TAGPUAN
Kung mayroon man akong dahilan para mabuhay araw-araw...
Ito ay ang dahilan para sabihin ko sa 'yo na hindi ka nag-iisa sa laban mo.
Hindi mo alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito at kung paano tayo pinagtagpo. Kung sakaling nadatnan mo ako at malungkot ka. Sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa akin hindi dahil sa masaya ako kundi baka parehas tayo ng pinagmulan at dala-dala.
Masyado ng puno ang mundo ng mga mapapait na mga kwentong walang saysay, mga kwentong hindi ko na maunawaan, mga galit, hinanakit at lumbay. Masyado ng konti ang mga taong lumalaban o kung lumalaban man ay walang tinig na naririnig. Tinakpan ng takot o binaon na lang sa limot.
Tandaan mo, mahal, sa ano mang laban mo, magulo man ang mundo... nandito pa rin ako. Hindi kita iiwan tulad ng pagtalikod nila sa'yo. Tinalikuran rin naman ako pero wala naman akong pakialam. Sa ligaya ko lang naman sila nakakasama ngunit mag-isa lang sa lungkot at lumbay.
Kaya, sasamahan kita. Iintindihin kita. Hindi kita iiwan.
ANINO
Kilala mo ba ako? Kilala mo ba ang katulad ko kung saan ako nagmula?
Alam mo ba kung saan ako nagsimula? Kung gaano ako lumaban noon mula sa putikan at kung gaano akong nagtiis sa sakit para lang may maibatong ngiti sa kasalukuyan. Kaya nga ba't nabansot na rin ako dahil dala ng kahirapang dulot ng sa bulsa, kawalan ng pagkain sa hapag, at sa iniindang sakit sa dibdib dahil sira na ang sandalan.
Alam mo ba kung gaanong kapangit ng ugali ko, kung gaanong inayawan ko ang sarili ko sa salamin, kung gaano ko tinakbuhan ang sarili ko noon, at kung anong bumabagabag sa dibdib.
Palagay ko'y hindi. Maaaring walang nakakakilala sa akin. Kung ano ang tunay na ngiti, ligaya, luha, lungkot at takot. Huhusgahan ka ng mundo sa kung anong hitsura mo at palagay ko, nahusgahan na ako.
Pero wala akong pakialam.
Nanggaling ako sa kawalan. Kawalan ng kinapitan kundi iilang taong tumanggap sa akin...na tipong dumating rin ang panahong anino ko na lang ang yumakap sa akin mula sa madilim na nakaraan, anino ko na lang ang sumabay sa akin, at anino ko na lang ang tumanggap sa akin.
Saturday, October 22, 2016
What Matters Most in Life
ONE ART
Related Poem Content Details
RESTLESS FEET
So I have been contemplating about my life and career lately. I have tried observing and weighing things...
Finally, I got the answer.
2016 is about the peak of my career, challenges, lectures and travel. I was able to travel for free in Luzon, Visayas, and Mindanao. I was able to know myself such as limitations, strengths, reawakening of my skills and above all, I now know my heart's desire. I know where home is.
Last time, I felt like I do not belong to a circle of good people. I felt like I am chained and I couldn't give my best.
There's a lot of good people out there and I am deeply thankful for knowing them. But...
I don't want to be good.
I want to be great.
I want to transcend, develop my skills, and realize my potentials. I want to be appreciated and to be part of something big with people who share the same principles like what I have right now.
I am excited of what awaits me in 2017. Five months is just a blink of an eye. I am sure I will be going out of this country for a while, visit more places, lecture to spread the word of psychology, meet new people, and be more awesome.
