Sinilip ang relo, alas nuebe impunto. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga kasama ko sa loob ng tren, kasama ko ang mga taong hindi ko kilala. Sila ang mga dayuhan saa mundo ko. Araw-araw, iba’t-ibang anyo ng mga mukha ang nakikita ko na may iba’t-ibang hugis ng anino. Sa kabila nito, iisa lang ang sinasabi ng mga mukhang ito tuwing sumasapit ang dilim…
Gusto nang umuwi.
Sa karagatan ng mga taong walang pangalan, inisip kongnsino bang tuluyang malaya? Nahirapan akong mag-isip. Sino nga ba? Nainip ako at tinignan ang relo sa aking kaliwang braso. Alas nuebe na pala.
Natawa na lang ako. Wala palang malaya. Ang relong nasa braso ko ang nagkukulong nga pala sa atin. Mantakin mong ang napakaliit na makina sa mga braso mo ginagawa kang alipin? Ang oras, ang minuto, at ang segundo, araw-araw nating hinahabol na animo’y mga makina tayong pinapagana nito sa kanyang mga kamay!
Naiisip ko ngayon, ano nga ba talaga ang buhay? Hanggang kailan ba talaga tayo magiging malaya?
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Monday, August 14, 2017
MGA KAMAY NG ORAS
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment