Monday, May 15, 2017

Balat-Kayo Sa Mundong Maingay at Magulo

Kagabi lang sinubukan kong magreflect at sinubukan kong manood ng educational videos tulad ng ginagawa ko.

Nahanap ko na ang sagot sa matagal ko ng tanong, extrovert ba talaga ako kasi mas maraming introvert characteristics ako sa totoo lang. Last time, dinefine ko sarili ko bilang ambivert kasi kaya kong mag adjust. Pero hindi e. Nakita ko ang video ni Dr. Brian Little, well-known professor at speaker. It turned out that he's an introvert working on an extrovert's role.

Nasabi nga niya na maging maingat ang  sa pagganap sa mga role dahil kung minsan may mga bagay na para bang mapapabayaan rin ang sarili. Maraming pagkakataon na inilarawan ko ang mga araw na ups and downs na inisip ko. High na high sa ideas then go back sa down phase after prolonged exposure. Hindi bipolar na manic ako kundi kailangan kong ihiwalay ang sarili ko sa tao pagkatapos ng mahaaaabaaang oras na naglecture at nagexpend ako ng energy. Kailangan kong bumalik sa nature o kaya sa kwarto ko para matulog at manood na lang ng mga interesting documentaries about science at psychology. Kundi naman, makasama lang yung mahalagang taong gusto ko. Introvert rin kasi siya pero ako naman yung taong na-confused.

Sa totoo lang, marami rin akong kakilala at kaibigan pero ako yung tipo na hindi talaga makapag-join sa mga activities nila. Bibihira. As in. Usually na excuse ko busy ako. Totoo naman iyon saka sa totoo lang ang mga oras na iyon na may kasiyahan ay medyo iniiwasan ko rin. Sobrang mapapagod ako ulit dahil sa work ko tapos maraming tao na naman.

Hindi ako nakaka-attend ng family clan at reunion namin, nagtatampo na ang parents ko sa akin pero kasi masyadog maraming tao na hindi ko kilala at nakakalito sila. Napapagod rin ako sa sobrang haba ng pakikisalamuha na kung minsan ayoko na talagang magsalita kapag nasa bahay na ako.

Kaya kong magstay sa bahay ng matagal at hindi magpunta sa party saka hindi naman kasi ako nag-iinom eh at ayoko amoy ng yosi. "Home buddy" nga ang tawag sa akin ng mama ko at ako ang tahimik sa aming magkakapatid kahit na ang alam ng ibang mga nakakasalamuha ko na extrovert ako.

Sa tingin ko sa tagal rin ng ginagawa ko nasanay rin ako e pero kung babalikan yung elementary days ko na grade 6 tapos papuntang high school, tahimik ako e. Na-trigger lang akong lumaban at magsalita nang pahiyain ako ng teacher ko saka paringgan ng classmate ko. Paano daw akong nag-top sa class namin nang hindi ako nagsasalita o nagrerecite? Gusto ko sanang isampal sa kanya na 30% ang exam, 15% attendance, 20% quizzes, 15% projects, at 20% ang oral. Perfect ko naman halos lahat yun lalo na ang exam at quizzes ko except sa hindi lang ako nagsasalita. Simula noon, nagsalita na ako.

Maingay ang mundo, masyadong maingay. Mas nakikilala ang mga masalitang tao kaysa sa mga taong pinipiling manahimik. Maraming misconceptions na para malamang magaling ka kailangan magaling ka ring magsalita kaya naging dream ko na sana talaga maging speaker rin ako kasi natatakot rin ako magsalita sa harapan. Natatakot ako sa sasabihin nila sa akin tulad ng pagkutya ng teacher ko sa matigas kong dila noon. Kaya ayon, nagsanay akong mag-isa at sinubukan ko na labanan yung mga ayaw ko o hindi ko ginagawa dahil gusto nga ng mga tao sa mundo ng maingay. Hindi ba't masyadong mababaw? Kung titignan lang natin sa boses o salita? Mas marami ang gawa sa pag-iisa dahil nahahanap mo ang sarili laban sa maraming mga taong nagkokopyahan at naghahanap ng sarili sa nakararami. Ayos lang naman rin ang marami kasi kailangan ng tulungan pero gusto kong sabihin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahahanap ang sarili sa iba.

Alam mo nakakalungkot e kasi yung gf ko introvert siya. Maraming maling iniisip sa kanya yung iba kahit profs niya. Siya ang pinakamagaling na taong kilala ko sa abnormal psychology at clinical pero hindi kasi siya masalita kaya nakakuha ng mababang grade lalo na yung puchang profs na nagroroleta. Kaya galit ako sa ganoon. Naiinis rin ako na mas pinapaboran ang masalita lang na student sa mga student na tahimik pero magaling sa written. Masyadong mababaw kung sa boses lang natin papakinggan ang tao. Hindi iyon ang kabuuan. Kaya dahil doon, binabasa ko gawa ng mga students ko at hindi porket sya ang laging face ng class ay siya na ang basis ng mataas na grades.

So kung babalikan natin ulit, palagay ko introvert ako na nagpapanggap na extrovert dahil pinili kong makipagsabayan sa maingay na mundo pero sa dulo...nandoon lang ako sa maliit kong safe na place. Nagpapahinga at masaya kasama lang ang piling taong gusto ko. Ayos rin naman ang experience eh kasi may mga bagay akong nasubukan na di ko akalain na makakaya ko.

Mabuti talaga nauso ang blog para masabi ko laman ng utak ko. Hahahaha.


No comments:

Post a Comment