Kagabi, sumama ako para manood ng mga alitaptap sa ilog. May mamamangka ng marahan tapos panonoorin mo ang mga alitaptap na lumilipad sa mga mangroves.
Sobrang dilim ng gabi. Ang tahimik. Ang liwanag lang na mayroon kami ay ang buwan. Napakalawak ng paligid. Sa magkabilang gilid may mga mangrove at may ilang mangrove ang binibisita namin para panoorin ang mga alitaptap. Lalapitan tapos magkukwento ng mga myth tungkol doon. Isa sa mga nakakatuwang kwento ay kapag namatay daw ang alitaptap, pinapaniwalaan daw na nagiging bituin ito. May mga kwento rin sa tatlong batang naging alitaptap at mga kwento na may mga espirito o fairy daw ang mga mangrove na pinamamahayan ng alitaptap. Marami kasing mangrove na walang alitaptap sa paligid at pinapaniwalaan kasi na walang bantay o espirito doon. Kaya, kapag may alitaptap, may diwata o espirito dito. Syempre, hindi ako naniniwala doon pero gustong-gusto ko ang kwento. Lumalabas kasi ang kaisipang Pilipino at ang kultura ng mga bikolano. Nakakatuwa. Napaka-creative nila. Ang mga ganitong kwento ay isa sa mga dahilan kung bakit nabubuhay ang sining. Nagiging makulay ang paligid, ang kwento, at ang mga pangyayari dahil sa imahinasyon...dahil sa sining. Ang sining ay buhay. Ang buhay ay sining. Ang hilig ko sa ganito dahil isa sa ginagawa ko nang bata pa ako ay ang pagguhit at ang makinig ng kwento.
Kung mapapansin ninyo, wala akong anumang larawan ng nakita ko. Hindi na kailangan. Bukod sa hindi kaya ng kamera ko baka hindi rin ako makapag-focus. Ang lahat ay para sa mga mata ko lamang ng gabing iyon.
Marami akong naisip kagabi. Naisip ko nga ang girlfriend ko. Isa kasi yun sa romantic moment. Napakadilim ng paligid at natural na ilaw lang mula sa buwan ang nagbibigay liwanag. Naisip kong magugustuhan niya iyon lalo na nakatingala kami sa ilalim ng bilyong mga bituin.
Napakadaming bituin. Ito yung mga bituin na nakikita mosa science books. Langya! Di ko maisip na nakita ng mata ko yung Big Dipper, Crux, at Jupiter. Hindi ko na alam yung ibang constellations eh pero malalaki yung mga bituin! Sobra. Nakatingala ako sa bangka. Masakit ang batok ko at nakakangalay pero hindi ko na nainda. Nilamon ako ng malaking kalawakan sa madilim na gabi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko. Nag-uumapaw na saya na parang iiyak na ako. Ganoon kasi ako. Sentimental ako sa totoo lang pero laging may tabing ng hitsurang matapang. Dinadama ko ang kapaligiran at malakas akong makiramdam talaga. Ngunit minsan pinapakita ko sa iba na wala akong alam...pero alam ko.
Masasabi ko na yung naramdaman ko ay yung tinatawag na Dasein. Yung being-in-the-world sa existentialism. Ang tao ay dapat na maging isa sa kapaligiran. Damhin natin at alagaan. Kagabi para akong naging isa sa nakita ko. Hindi man nakita ng kamera pero masasabi kong malinaw ang naramdaman ko at malinaw sa alaala ko ang lahat. Hindi naman kayang pantayan iyon ng kahit na anong technological devices dahil sarili ko yun na karanasan at ako lang ang nakaramdam noon ng gabing iyon. May naramdaman man ang iba pero iba iyon sa paraan ko.
Naisip ko habang nakitingin ako sa madilim na kalangitan at inuulan ng naglalakihang mga bituin...na ang laki ng kalawakan! Sobra! Pero alam mo, hindi mo ma-appreciate ang kagandahan ng mga bituin na iyon kung maliwanag. Hindi mo makikita. Kung minsan, kailangan natin ng dilim para makita ang kinang natin. Kailangan natin maging isa sa sarili nating kadiliman. Tulad ng sabi ni Carl Jung, (nonverbatim) you need to conquer your shadow in order for you to realize your potentials. Isa yan sa dapat nating gawin. We need to be aware of ourselves, to recognize our limitations, to know our strengths/weaknesses and to realize our potentials. Kapag nalaman mo naman iyang weaknesses or imperfections mo, pwede mo naman na iyan maimprove eh kasi inamin mo sa sarili mo...kasi alam mo. Kapag dineny natin ang mga bagay na iyan, hindi mo makikita ang tunay na ikaw. Hindi mo makikita ang buhay. Aminin natin ang mga bagay sa sarili natin. Kailangan natin ng kadiliman para makita natin ang pagkinang natin.
Bukod don, naisip ko na speck of dust lang talaga tayo pero tayong mga tao ang hilig natin na magmataas na dumadating sa punto na hindi na natin na-appreciate yung ganda ng ibang creatures. Tulad kagabi, may 2,000 types ng fireflies sa buong mundo at maswerte ako na makita ang isa sa type na iyon sa Donsol, Sorsogon. Nakita ko ang synchronous fireflies na sabay-sabay silang kumukutitap habang lumilipad o kaya naman habang nasa iisang lugar. Nakita ko na para silang mata na nagbiblink kagabi at habang tumatagal na tinitignan mo sila, mapapansin mong nakarelax ka na rin. Yung pagpatay-sindi nila kasabay na rin ng breathing mo. Akalain mo iyon? Hahaha. Oh di ba. Saka alam mo ba ang kaibahan ng lalaking fireflies sa babae? Ang mga lalaking fireflies pala ang lumilipad tuwing gabi at ang mga babae pala ang nandoon sa mga leaves ng mangroves. Ang mga lalaking fireflies na may malalaking liwanag ay sumasayaw o ginagawa nila ang courtship dance sa mga babae. Ang mga babae naman na may maliliit na liwanag ay pinapanood sila. Nakadepende sa babae kung sasayaw pa ang mga lalaking fireflies. Kung mapapansin natin na kapag nagdikit ang babae at lalaki tapos lumipad ulit ang lalaking fireflies kahit na lumapit na siya doon sa babae, ang ibig sabihin daw noon na hindi pa sapat ang pagsayaw niya kaya kailangan pa raw nyang sumayaw ulit at panonoorin siya. Ang saya di ba. May ganoon pala. Hindi ko na mailalahad lahat ng nalaman ko kagabi dahil sobrang haba ng lecture ng tour guide, akala ko nga may quiz kasi sobrang nakinig ako! HAHAHA. Promise.
Naisip ko rin kagabi na nakaka-amaze. It was a humbling experience. As in. At the same time, I am empowered. Naisip ko rin kasi na...Oo, malawak ang kalawakan at ang taas ng mga bituin pero hindi ko dapat kailangan na maliitin ang sarili ko dahil ang mga sangkap na bumuo sa mga bituin na iyon ay matatagpuan sa loob ng katawan ko. Kaya nga sabi ng fave astrophysicist ko, "We are star stuff. The universe is in us." Kaya wag rin natin maramdaman na ibaba masyado ang sarili natin bagkus matuto tayong maging isa sa mundo, ma-appreciate ang ibang creatures, at i-enjoy ang bawat araw na nandito tayo.
Mabuhay ka, araw-araw.

No comments:
Post a Comment