Tuesday, April 17, 2018

#BESTIPS: TIPS IN JOBHUNTING


1.    Resume, bes! Make sure lahat ng nandoon ay accurate. Ang cute mo kapag mali yung number at e-mail mo!

https://static.xx.fbcdn.net/images/emoji.php/v9/f61/1/16/270c.png2.    One at a time. Bes, i-send mo sa HR ng company yang resume mo saka dapat isa-isang company lang. Nakakainis kapag send to all. Ang negative ng impression! Aba, pinagsasabay mo sila? Charot. Ang tamad kasi ng dating saka hindi talaga ayos yun. I-check ang subject. ALL CAPS mo para intense. Hahaha. ALL CAPS mo para mapansin kaagad. Ex, PORTUGUEZ, LEE MIN APPLYING FOR HR POSITION POST *pak!*. Siyempre, siguraduhin mo rin naka-attach ang resume mo. May mga times na nakakalimutan! Kung hindi ka madali ma-attach, sa resume dapat yan!

3.    Formal e-mail. Bes, grabe ka naman kung pati e-mail mo pang jeje. Please lang iyong e-mail add mo rin sana bagong account. Yung tipong juandelacruz@gmail.com para mas pormal kaysa sa silent_wildflower@gmail.com. Ano tingin mo? 

4.    Dapat prepared! Sa interview bes, dapat naisip mon a yung possible question. Magprepare ng konti. Magpractice kasi practice makes perfect unless perfect ka na? Charot.

5.    Maghanap huwag maghintay. Mahirap maghanap ng trabaho pero tiyaga lang. Huwag ang mag-alala mas mahirap pa rin ang umasa. Charot. Mag-strategize ka na! Yung mga places na magkakalapit, isahan mo na lang puntahan. Mga 3 companies enough na iyon sa isang araw. Minsan talaga hindi hinihintay, sinusugod!  

6.    Walang tawag. Nagsend ka ng 20 resumes at walang tawag? Okay lang iyon sa ngayon. Kung 1 week, 2 weeks, 3 weeks...okay pa iyan. Usually, nakakatagal ng 1 month. Kaya huwag magmukmok kaagad kasi mahirap rin mag-screen ng resumes. Di ba pinag-aralan sa IO iyan, nakalimutan mo na? https://static.xx.fbcdn.net/images/emoji.php/v9/f4c/1/16/1f642.png:) Kaya karaniwan, sabay-sabay sila tatawag sa'yo. 

7.    Ballpen at photocopy of documents. Magdala kasi minsan nakakaimbyerna sa HR na lahat ng 30 applicants nila walang ballpen eh. Magdala rin ng photocopy ng requirements. May iba kasi one day processing lang.

8.    Maging mapagmatiyag! Nakaka-flattered! Hired ka kaagad! Hindi mo alam kung bakit pero hired! Kapag atat na atat iyan na ipasok ka, mag-isip ka. Check mo yung company muna. May contract kaya sila? Kamusta kaya iyon?
*while waiting pwede kang makipagchit-chat sa guard pero please wag kang magtanong sa guard magkano sahod kasi may guard na chuchu at nakakarating sa HR haha kaya ingat* 

     Mahirap maging panakip butas sa isang position tapos sobrang gulo pala ng pinasukan mong company! Anong malay mo, tatlo pala magiging boss mo na hindi pa magkakasundo? Eh di iyak, bes!

9.    Be yourself. Kapag sa interview, "be yourself". Kapag sinabing ganoon, huwag kang magkunwari. Okay ang confident pero huwag masyado. Makikita iyon sa interview kaya maganda magpractice ka mula pagtayo, pagngiti at maganticipate ka ng mga ibabato sayong tanong para comfortable ka during interview. Huwag mo na masyadong ibandera ang achievements mo. Kapag hindi namention, huwag na. Alam naman ng HR iyon kapag magaling ka. Baka kasi mamisinterpret ka. I-connect mo ang skills mo sa job description at i-connect mo sarili mo sa HR. Isipin, "Kung ako ba ang HR, tatanggapin ko ba sarili ko sa way ko ng pagsagot?" Dapat conversational lang para magaan ang flow. 

10. Mag-ingat sa replies. Okay! So best! Kinaya mo yung dibdiban nang final interview! Congrats! Nagtext ngayon si HR Manager sa iyo na "you are invited for job offer at exactly blah blah blah"! Na-excite ka ng bongga! Syempre kailangan i-share mo yung good news sa mga mahal mo! Syempre text mo yung mahal mo! "mahal cuh, natanggap po acuh sa job cuh! I love you so much! Maliligo na ako!" *send*

Pagkakita mo doon pala sa HR Manager mo nasend!
Lesson learned: Huwag masyadong matuwa. Dyusmio nangyari na iyan sa ilan sa kakilala ko at sa akin. Huwag excited bes. Basahin!


No comments:

Post a Comment