Madalas na maniwala
sa mga sabi-sabi
Mga guhit sa
palad, tarot cards, horoscope, hugis o nunal sa mukha, o bituin sa langit,
inaalam,
pinapakinggan, at sinusunod
dahil ano
nga bang mawawala kung hindi susubukan?
Pinapaikot
ng mga matatanda
Wala kang
ebidensya pero mahigpit na naniniwala
dahil ano
nga bang mawawala
kung hindi
susubukan? Di ba?
Buong buhay
ay naging masunurin
Nakahilera
ang buhay sa klima ng pamahiin
Araw-araw ay
sinusuot ang masusuwerteng kulay,
tinataya sa
lotto ang numero sa dyaryo,
at
sinubukang matulog ng mahimbing sa naayong direksyon.
Sa ilang
libong beses na hiniling ang swerte
Heto ka't
dumating sa aking piling.
Alam kong
ikaw na iyon
dahil nang
una kitang nakita'y suot ko
ang kulay
berde kong damit.
Ito ay ganap
na 11:11 ng umaga,
ito rin yung
araw na nakaharap akong matulog sa silangan.
Naalala ko
pa na sinabi sa horoscope
na magiging
kakaiba ang araw ko
kumpara sa
nakaraang lingo
at may
makikilala akong magbabago ng aking pagkatao.
Nilingon mo 'ko nang umagang iyon.
Ngumiti ka
dahil nakatingin ako sa'yo.
Pumikit at
humiling sa relos ko na nagsasabing 11:11.
At alam kong
ito na nga ang simula.
Wala akong
ebidensya pero malakas ang aking paniniwala...
batid kong pumosisyon
ang mga bituin
para mundo
natin ay magtagpo.
Ipinagkaloob
ka ng kalangitan.
Kaya’t
inaalagaan ka araw-araw.
Mas nakilala
pa kita at minahal na parang
walang sandaling
dapat na masayang.
Sinunod ko
pa rin ang pamahiin
para
siguradong sa akin ay manatili.
Makalipas ng
ilang buwang pagkakaibigan,
naging tayo
sa araw ng otso
Sinabi kong
swerte nga ako talaga sa’yo
“Infinity and
beyond” pa ang ibig sabihin ng numero.
Nagpalitan
ng yakap at halik
Hatid-sundo
sa umaga at gabi
Walang araw
na hindi maligaya
Ikaw ang
naging sandigan at pag-asa.
Marami ng
puno ang nalagas,
Kasabay ng
mga araw na lumipas
Hindi ko
akalaing sasama rin pala sa panahon
Ang relasyong
ginawan natin ng pundasyon.
Biglang ang
mga bituin sa kalangitan ay nagbago ng posisyon
Nagbago na
ang mundo mo na akala ko’y pinatibay na ng mga pagkakataon.
Wala naman
akong nunal sa mukha
pero bakit
tumatagas ng madalas ang luha?
Wala ka naming
nunal sa talampakan
pero bakit
mo ko nilisan?
Natulog
naman ako kaharap ng silangan
pero bakit
nagbago ang direksyon at nag-alinlangan?
Saan ako
nagkulang?
Ang tila
otso na araw na para bang walang hanggan
natapos sa
isang iglap ng walang hudyat?!
Mahina ba ang
aking panalangin sa gabi?
Kaya ba
binigay ka sa iba at hindi na sa akin?
Wala na
akong kulay kundi itim at puti
pero madalas
ay itim…
Pinaikot nga
ako ng mga matatanda!
Walang ebidensya
pero mahigpit na naniwala!
Naging sunud-sunuran
sa mga sabi-sabi
dahil ano
nga naman daw ang mawawala
kung hindi
susubukan?! Di ba?!
Ano nga bang
mawawala kung hindi susubukan?!
Eh ano
nga ba?! Nawala ako sa katinuan.
Sinubukan
niya akong sukuan!
Bakit parang
ang laki ng nawala?
Bakit parang
may nawala? Bakit?
…Hindi na
ako muling maniniwala sa pamahiin.
Hindi mo
pala doon makikita kung sino ang makakapiling.
Isa ka lang sa
mga sabi-sabi,
isa ka lang
sa mga pamahiing
walang
patunay, walang tibay.
Hindi na ako
maniniwala sa pamahiin.
No comments:
Post a Comment