Monday, September 18, 2017

ADULTING 101 MGA BIMB!

This is a bad day.

Sobrang pagod na pagod kasi ako kaya na-late ng gising. Kasalanan ko 'to. Oo. At least marunong rin naman akong umamin ng mali ko. Sabi ko sa sarili ko, simula ngayon pipilitin ko na hindi ma-late.

Nakatipid nga ako sa airfare pero sa laki ng penalty bawing-bawi naman. Susubukan kong ngumiti kahit na walang laman na halos wallet ko this convention kasi wala ring gumaganang atm machine. Hahaha. Oh di ba.

Yung akala mong smooth, ito wala. Sabagay, hindi rin kasi ako excited ngayon sa ilang mga bagay na iniisip ko.

This is a bad day but not a bad life. *taps on shoulder, malalampasan ko rin ito kahit gusto ko na talagang magwala sa inis hahaha*

Ito lang siguro yung nakita kong improvement sa sarili ko. Share ko lang realizations ko ngayon dahil sadlak sa dusa ang peg ko bwisit yan HAHAHAHA.

ADULTING 101 (In any order)

1. Kapag may bad experiences na ako, hindi na ako madalas pumapatol o nagwawala. Karaniwan nananahimik ako. Ayoko na magsalita masyado. Bimb, yung nga pabibo minsan hinahayaan ko na sila *Inyo na korona! Ganern*

2. Habang nagiging adult na ako mas lalo ko nauunawaan na ang painful pala talaga ng mga lessons sa buhay! *sakit sa wallet huhu kuripot kasi ako huhu talaga* Sa sobrang sakit minsan yung iniinda mo hindi mo na lang sasabihin sa mga taong mahal mo basta makita mo silang okay. Hindi ko na kailangan i-announce na nahihirapan ako. Madalas sa sarili ko na lang. Hay. "LET GO OF YOUR NEGA THOUGHTS, PAK!" Ganyan dapat!

3. Hindi na ako masyadong pumapatol sa iba. Usually, may mga taong susubukan ka eh. Pero wala naman na akong pake. Sa adult life ko, kebs na lang. I have my own timezone. Hindi ako nagmamadali at magkakaiba tayo.

4. Mahilig na akong magintrospect about life saka more on self-regulation. Mas nag-increase na rin kahit paano yung empathy ko. Hindi na ako ganoon ka confrontative. Kapag may nakita akong mali sa isang tao, hinahayaan ko na lang syang magdiscover sa sarili niya. Capable naman kasi tayo sa ganoon, may iba lang talagang hindi yata nagrereflect ng gawain niya tapos dinidistort pa ang truth.

5. Madalas maingay lang ako sa lecture at blogging pero sa totoong ako... madalas kong pinipiling mag-isa o kaya sa mga piling taong pinagmakatiwalaan ko. Kapag tiwala sila lang napagsabihan ko ng untold stories na hindi talaga alam ng iba.

6. Kebs ako sa competition. Mas nagcocompete ako sa sarili ko kung paani ako babangon bukas. Sa dami ng struggles ko sa buhay *kung alam lang ng iba* batak na batak na ako. Tipong wala na akong papatunayan e. Tipong hindi mo na kailangan ibalandra lahat ang mayroon ka kasi sa dulo ng buhay mo, hindi mo maisasama yan sa hukay. Kung paano mo minahal ang sarili mo, kapwa mo, maging isa sa may likha, at kapaligiran ang mahalaga. Kung paano mo trinato sila at kung paano ka naging totoo sa sarili mo. Yung tipong kapag ikaw lang ang mag-isa, alam mong may peace of mind ka.

7. Sa dami ng bayarin, wala ka na ring mararamdaman hahaha. Bayaran mo na lang pero okay lang magtanong wag puro bayad rin. Magtipid!

8. Matutong magtanong at maghack ng mga bagay bagay para mapadali ang pamumuhay. Hahaha.

9. Mas iniisip ko anong contribution ko sa iba. Paano nila ako maaalala? Yung kapag nawala ka, may iiyak kaya? Chos. Di nga, maraming beses na napatunayan ko yan. Walang halaga ang pera kundi yung appreciation talaga yung malakas yung impact. *pero syempre I need money pa rin di ba huhu*

10. Mas minahal ko ang sarili ko saka mas ginagawa ko yung best ko dahil sa mga taong nagbibigay ng inspiration sa akin. Yung tipong kaya ako nandito kasi yung meaning ko para makatulong sa iba sa paraan na kaya ko.

11. Nandito ako para magmahal at walang makakapigil sa akin kahit ang norms. Isa lang ang minahal ko at mamahalin. Kasabay ng pagtanda ko, naiisip ko rin yan. Ang mga bagay na hinihiling natin sa taong gusto nating makasama panghabambuhay ay pwede palang makita sa iisang tao. Kailangan mo lang rin tulungan yung partner mo na mag-grow. It takes time! *pero depende sa case ha kasi may iba abuso*

12. Kaya ito ngayon yung next idea, sa dami ng experiences mo dapat alam mo priority mo tapos alam mo kung kailan magsasabi ng "TAMA NA, SOBRA NA 'TO!"

13. Ayos lang umayaw, minsan hindi pagiging duwag yun.

14. Matutong umamin kapag may mali at tanggapin ang mga bagay-bagay kung minsan.

15. Ayos lang maging tanga kasi may matututunan ka rin. *parang ako ngayon sa pagiging late huhu*

16. Wag angkinin ang lahat! Bimb, bawal yan! Alam mo kung ano lang dapat ang sapat.

17. Matutong magexplore pa! Masaya ang buhay! Madaming nega pero choose to be happy pa rin! 💓☝

Yun lang mga bes baby sharks. 🤓


No comments:

Post a Comment