Dahil magtatapos na ang taon, kailangan na muling maglinis.
Ito lang ang pagkakataon kong mag-ayos ng mga gamit ko. Sa paglilinis ko may
mga na-realized rin ako.
May mga raffle tickets na hindi naman na ako kinontak so
talo ako, pamphlets, ticket sa bus at eroplano, mga lumang papel na may numero,
resibong kumupas pero inipon, mga ballpen na walang tinta, mga nawawalang gamit
na matagal nang hinahanap at kung anu-ano pa. Isa lang naisip ko. Bakit ang
kalat ko? Char.
Hindi. Naisip ko talaga na applicable rin pala tong
pagliligpit sa way ng pagtingin natin sa buhay.
Natalo man ako sa mga raffle tickets ko, so what? Di ba
minsan ganoon naman, kailangan sumugal saka may tulong naman ang raffle tickets
na iyon. May napuntahan, hindi nga lang ako nanalo pero keri lang.
Saka biruin mo hindi natin makita yung mga bagay na gusto
nating makita sa mga panahon na hindi kasi natin isinasaayos at inaalis ang mga
bagay na dapat na pala nating alisin...matagal na. Mahilig tayong mag-ipon ng
mga bagay na dapat hindi na patatagalin pa sa kwarto. Hindi mabibigyan ng
pagkakataon na malagyan ng importanteng lugar ang mga bagong alaala o gamit sa
kwarto kung hindi natin aalisin yung mga dapat na wala na.
Kailangan magsalansan. Kailangan mag-ayos. Mahirap magdagdag
nang magdagdag ng basura sa kwarto. Tinatapon iyon, hindi iniipon.
Ayun lang. Musings lang ng isang makalat na taong tulad ko
pero in real life bes, malinis akong magmahal. Char.
No comments:
Post a Comment