Wednesday, March 9, 2016

HINDI ANG PAG-IBIG KO

Nalaman ko na gusto kita,
simula nang masilayan ka.

Nalaman kong mahal kita,
nang naramdaman kong 
hindi ko kayang hindi ka makita.

Ikaw lang ang sinisinta
pinapangarap at iniibig.
Ang babaeng nagbibigay lunggati
kahit ang mga mata'y gising.

Ikaw lang ang iniibig.
Ang taong tanging gustong makapiling,
makasaksi ng taing bituin, at tala sa gabi,
habang nakahimlay at magkatabi.

Sa pagtanda'y iyong asahan,
parati ka pa ring liligawan.
Hihingi ng tawad sa mga kasalanan,
yayapusin at pagsisilbihan,
magkukwentuhan kahit saan,
kakain ng walang kabusugan,
tatawa ng malakas na parang walang bukas,
papawiin ang kapanglawan,
at susubuking magdala ng kasiyahan.

Di bale'y pipilitin kong maging malakas
para hanggang sa huli'y tayong dalawa.
Ang pangalan mo ang siyang huling sasambitin
ang iyong mga mukha ang huling sisilayan,
ang iyong balat na masamyo ang huling aamuyin,
ang iyong buhok ang huling hahaplusin,
ang iyong lumiit na katawan ang siyang huling yayakapin,
ang malambot na mga labi ang huling hahagkan,
ang kamay mo ang huling hahawakan,
at ang pagmamahal mo ang huling mananahan...

dito....

sa masilakbong puso...
na kung malipol ma'y dahil sa katandaan...

unti-unting mamamatay...
titigil...
maglalaho.

pero tandaan mo...

hindi ang pag-ibig ko.

No comments:

Post a Comment