Ito ay isang tula na hango sa simpleng paghanga lang ngunit naging malalim ng buuin na ang mga salita.
Hindi mo alam sa bawat lingon at sa bawat gilid ng aking mga mata
Pilit kong patagong sinisilayan ka
Hindi mo alam. Dahil paano mo nga bang malalaman?
Ang isang sikretong hindi ko kailanman isisiwalat kaninoman?
Hindi mo alam na kahit tigre ka, hindi ka perpekto
at hindi nakikita ng iba ang natatago mong kalambutan,
Sa akin nagiging mundo kita at pinipilit kong
Araw-araw, segu-segundo na kalimutan
Itong nararamdaman ko para sa’yo
Dahil sa simula’t sapul pa lang
Alam kong hindi magiging tayo.
Dahil kailanman, hindi mo malalaman
Ang kaibahan ng kalangitan sa kalupaan.
Hindi hahalik ang kalangitan sa lupa
Hindi ka rin baba mula ‘dyan
Dahil simula’t sapul pa lang nang masilayan kita
Nalaman kong hinding-hindi magiging tayo
Hinding-hindi. Dahil iba ang mundo mo, at iba ang mundo ko.
Dahil ang prinsesa ay kailanma’y hindi maaaring mahawakan
Ng isang hamak na tagapagsunod lamang.
Kaya nakakalungkot lang
Dahil simula pa lang nang makita kita
Nalaman kong imposible talaga.
Imposible talaga.
Kaya lilisanin na lang kita. Lilisanin na lang kita.
Babaunin ko na lang ang mga nakaw na sandali
Mga maiiksi at pigil na tanong
Mga limitadong kwento dahil baka malaman mo
Ang sikretong matagal na ring itinatago sa’yo.
Kaya lilisanin na lang kita. Lilisanin na lang kita.
Babaunin ko na lang ang mga nakakatuwa mong ngiti
at ang iyong maliliit na mata na kumikislap
Ang mga nakakabusog mong tawa na minsan ko lang marinig
Ang iyong magandang mukha na maaaring sa panaginip ko na
lang
muling masisilayan.
Paalam, prinsensa. Isang nakakatuwang panaginip.
Isang nakakapanabik na alaala.
Nakakatuwa lang na kahit papaano pala,
nalaman kong ang prinsesang nakikita nang iba
na nakakatakot lapitan at makausap
ay kaya naman pala na malapitan.
Pero alam kong hanggang doon na lang.
Hanggang doon lang!
Kaya lilisanin na lang kita. Lilisanin na lang kita!
Dahil sa simula’t sapul pa lang
Nang una kitang masilayan, nang unang nabihag mo ako
at nang unang nalaman ko,
Malabong maging tayo.
Siguro ito ang isang bagay sa buhay ko
na kahit kailanman
hinding-hindi ko makakayanang maabot.
Sa lahat. Sa lahat lahat ng pangarap ko.
Ito lang ang bagay na hindi ko kailanman makakayanan.
Hindi masasabi.
Hindi magagawa.
Dahil sa simula't sapul pa lang.
Alam na alam kong mabibigo ako.
At alam mo? (ay hindi mo nga pala alam)
Na ito lang ang bagay na naging mahirap sa akin.
Ito lang ang bagay na naduwag ako.
At hindi ko 'to inaasahan na darating sa akin.
Dahil alam kong matapang ako.
Matapang ako, matapang ako, matapang ako.
Pero kahit anong bulong ko sa sarili ko?
Wala. Wala akong napapala!
Wala akong makuhang lakas ng loob...
Ngayon lang ako naging gan'to.
Kaya ganito na lang...
at alam kong ito ang tama.
Lilisanin na lang kita.
Nakakalungkot lang pero...
Hindi mo ito malalaman.
Hinding-hindi mo malalaman.
Hinding-hindi mo malalaman na nalulungkot ako.
Hinding-hindi mo malalaman na nanghihinayang ako.
at nang unang nalaman ko,
Malabong maging tayo.
Siguro ito ang isang bagay sa buhay ko
na kahit kailanman
hinding-hindi ko makakayanang maabot.
Sa lahat. Sa lahat lahat ng pangarap ko.
Ito lang ang bagay na hindi ko kailanman makakayanan.
Hindi masasabi.
Hindi magagawa.
Dahil sa simula't sapul pa lang.
Alam na alam kong mabibigo ako.
At alam mo? (ay hindi mo nga pala alam)
Na ito lang ang bagay na naging mahirap sa akin.
Ito lang ang bagay na naduwag ako.
At hindi ko 'to inaasahan na darating sa akin.
Dahil alam kong matapang ako.
Matapang ako, matapang ako, matapang ako.
Pero kahit anong bulong ko sa sarili ko?
Wala. Wala akong napapala!
Wala akong makuhang lakas ng loob...
Ngayon lang ako naging gan'to.
Kaya ganito na lang...
at alam kong ito ang tama.
Lilisanin na lang kita.
Nakakalungkot lang pero...
Hindi mo ito malalaman.
Hinding-hindi mo malalaman.
Hinding-hindi mo malalaman na nalulungkot ako.
Hinding-hindi mo malalaman na nanghihinayang ako.
Lilisanin kita at siguradong-sigurado na ako doon.
Kasabay ng mga masasayang alaala
na ako lamang ang may alam.
Lihim na ako lamang ang magdadala.
Dahil sa simula't sapul pa lang
nang tumapak ako sa mundo mo...
alam kong walang magiging 'tayo.'
Kasabay ng mga masasayang alaala
na ako lamang ang may alam.
Lihim na ako lamang ang magdadala.
Dahil sa simula't sapul pa lang
nang tumapak ako sa mundo mo...
alam kong walang magiging 'tayo.'
No comments:
Post a Comment